Boriiiiing!!!
Buong maghapon wala siyang ibang ginawa dito sa bahay kundi manood lang ng tv, kung nasa Manila lang siya ngayon baka kasama na niya ang mga kaibigan niya at nag party-party na sila.
Hindi rin naman siya makalabas dahil hindi niya pa masyado kabisado ang lugar dito, nakakapasyal lang siya kapag kasama niya si Mariel, kaso wala siya ngayon isinama ng kanyang Lola dahil meron raw itong bibilhin sa bayan.
Haays makapaglakad-lakad na nga lang muna sa labas.
--
Tinandaan niya lahat ng dinadaanan niya para sa pag uwi niya ay hindi siya mahirapan makabalik, baka kasi maligaw siya. Medyo nakakalayo na kasi siya sa bahay ng Lola niya.
Panay lang ang lakad niya, puro damo at mga malalaking puno lang naman ang nakikita niya wala ng iba.
Napakasimple lang ng buhay dito, hindi talaga siya sanay.
Napatigil siya sa paglalakad niya ng may makita siya na pamilyar sa kanya.
Anong ginagawa niya?
"Father Elmo!"
Napalingon ang lalaki at sinamangutan siya ng makita siya. Natawa naman siya sa reaction nito, marunong rin pa lang sumimangot ang lalaki.
"Please stop calling me that." sabi nito ng makapit na siya rito.
"Why naman, dapat masanay ka na.. Father." natatawang sabi niya. Hindi siya pinansin nito at nagpatuloy na ito sa paglalakad.
Saan kaya ito pupunta? Masundan ko nga.
"Father, saan ang punta natin?" nakangiting tanong niya rito.
"Stellan.." tipid nitong sagot.
"Who's Stellan?" nagtatakang tanong niya rito. Boy ba yun or girl?
Wait- baka may secret girlfriend itong si Father, naku talaga sobrang makasalanan na siya, pagkatapos niya kong halikan meron pa lang siyang itinatagong nobya.
Hindi talaga siya pwedeng maging pari! (Yes, may ipinaglalaban yata siya?)
"Kung gusto mo sumama, wag ka na magtanong pa." pagsusungit nito.
Tinaasan naman niya itong ng kilay. "Aba Father, marunong ka rin pa lang magsungit, hindi pwede yan sa simbahan, bawal ang masungit don." pang aasar niya.
Hindi na naman siya pinansin nito. Dinedma lang siya. Wala rin naman siya nagawa kung hindi sundan to, hindi na rin naman niya alam kung saan ang pabalik dahil kung saan-saan na sila napunta, nasa gitna na yata sila ng kagubatan.
Jusko nasaan na kaya sila? Naku baka dumating na ang Lola sa bahay at baka madatnan siya na wala roon, hindi pa man din siya nagpapaalam.
"Malapit na tayo." nakangiting sabi ng lalaki.
May pagka bipolar pa yata itong si Father, pagkatapos niya kong sungitan, ngayon ngiting-ngiti na sa kanya.
Hindi talaga siya pwede maging Pari. Bawal ang bipolar sa simbahan.. Hmp!
"Janella.." napatingin siya rito.
Bakit ang sarap sa pandinig ang pagkakatawag nito sa pangalan niya..
"We're here, lapit ka na dito.." nakangiting sabi nito.
Lumapit siya, ganun na lang ang pagkagulat niya ng makakita siya ng falls.
BINABASA MO ANG
SINS
Romance(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)