S15: ALMOST

540 20 3
                                    


ELMO


"Aray!"

Napasigaw siya nang bigla niyang mapukpok ang kamay ng martilyo.

Dami na niyang sugat sa kamay.



"Tsk! Clumsy."

Bigla niya lang naramdaman ang pagod nang mapa upo siya sa batuhan, halos kaka umpisa niya lang sa ginagawa niya at sana matapos niya.

Pero kailangan na rin niya munang umuwi dahil malapit na mag gabi at baka hinahanap na rin siya ng babae hindi pa man din niya dala ang cellphone, ang huling paalam niya rito ay nasa simbahan lang siya pero ang totoo nyan hindi na siya bumalik doon.

Dumiretso siya dito sa Stellan para gawin ang plano niya, surprise niya ito para sa babae. At sana matapos niya ito sa madaling panahon.

Tumayo siya, inayos at tinabi ang mga kagamitan niya. Nakaramdam na rin siya ng gutom kaya uuwi na siya.


"Babalikan kita bukas.."


--

Nagpasiya siyang dumiretso muna sa bahay nila Janella dahil miss na naman niya ang babae, hindi na naman siya makapaghintay na makita ulit to at baka nagtetext na rin ito sa kanya.

Medyo malapit na siya sa bahay ng babae nang bigla niya makasalubong ang kanyang kababata. Si Mica.

"Mosey..."

Napatigil siya sa paglalakad nang bumati ito sa kanya.

"Hi Mica.." nangingiming bati niya rito.

"Kamusta ka na? Hindi ka man lang nagpakita nung nakaraan sa Plaza, hinahanap kaya kita." nagtatampong sabi nito.

"Ah e-eh meron lang kasi akong importanteng ginawa sa mga oras na yon kaya hindi na rin ko nakapunta." paliwanag niya rito.

"Akala ko naman makakapag bonding na tayo, pero sana naman sa birthday ko makapunta ka na." biglang sabi nito.

"Ha? Kailan nga ba ulit birthday mo?" hindi naman talaga niya maalala sa sobrang tagal na rin nilang hindi nagkikita.

"Grabe ka, nakalimutan mo na talaga birthday ko." malungkot na sabi nito.

Bigla naman siya na guilty.

"I'm sorry.. Matagal na panahon na kasi tayong hindi nagkita kaya hindi ko na rin maalala.." hingi niya ng paumanhin sa babae.

"Tatanggapin ko yang sorry mo kung sasama ka sa akin.." nakangiti na ito sa kanya.

"S-saan?" nag aalinlangan na tanong niya. Hindi siya pwede sumang ayon agad at baka may ma beast mode.

"Sa beach resort ng Daddy, medyo malapit lang dito yun. Doon ko kasi gusto mag birthday dahil minsan na lang rin ako nagpupunta dito."

"Ah. Susubukan ko baka kasi may gawain kami sa simbahan nun." pagsisinungaling niya.

"Grabe ka talaga sakin Mosey! Dali na sumama ka na, marami naman akong in-invite eh at pwede ka rin magsama kung sino gusto mo isama." sabi pa nito.

Napaisip siya bigla. Isama niya kaya si Janella? Kaso papayag kaya yun?

Speaking of-

"Oh hi Janella.." masayang bati ng babae.

Napalingon siya agad agad rito. Kinabahan siya bigla nang makita ang nakasimangot na mukha ng babae at inis na nakatingin sa kanya.

SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon