Nakatulalang nakatingin ang babae sa pictures na nakadikit sa pader nito.
May mga ekis na ang mga mukha at puno na rin nang saksak nang kutsilyo ang mga yon.
Bigla naman napangisi ang babae.
"Tingnan natin kung makakaligtas kayo sa mga plano ko.."
Tumawa nang malakas ang babae at tuluyan na ito nawala sa sarili.
——
PLAN A:
Magkahawak kamay na naglalakad ang dalawang magkasintahan papunta sa isang cake shop malapit sa bayan.
Pero hindi nila alam may isang babaeng nanlilisik ang mga mata ang nakasunod sa kanila.
Nagsuot na pang disguise ang babaeng stalker upang hindi ito mahalata at makilala.
Pumasok na ang magkasintahan sa loob ng cake shop at may isang staff na lumapit sa mga ito.
Pumasok rin ang babaeng stalker at umupo sa isang tabi, may lumapit rin na isang staff rito at umorder naman ang babae.
"Mam, Sir mamili na kayo kung anong gusto niyong cake para sa kasal niyo." sabi nang isang staff.
Marami naman napili na cake ang magkasintahan.
"Gusto ko yung Chocolate." sabi nang babae.
Ngumiti naman ang kasintahan nitong lalaki na ikinangitngit naman nang babaeng nakamatyag sa mga ito.
"Free taste naman po ito lahat mam." sabi pa nang isang staff sa babae.
Tuwang tuwa naman tumango ang babae rito.
Samantala...
Galit naman nilabas nang babae ang isang bote ng gamot.
Isang gamot para sa pagdudumi.
"Tingnan natin kung hindi ka magtae sa gagawin ko." nakangising sabi nang babae.
Naghintay lang ito nang tamang tiyempo at saka na ito kikilos.
Naexcite ito nang bigla tumayo ang magkasintahan at sumunod ang mga ito sa isang staff para maghanap pa nang ibang cake na magugustuhan nang mga ito.
Pasimple naman tumayo ang babae at tumungo sa pwesto nang magkasintahan.
Nakangisi itong lumalapit sa lamesa..
"Favorite mo chocolate diba."
Gigil nitong ibinuhos lahat nang laman ng gamot sa cake.
"Magiging favorite mo pa kaya to kapag natikman mo na." nakangisi pang sabi nito.
Wala naman nakakita sa ginawa nang babae, dahil medyo busy rin ang mga taong nasa loob nang cake shop.
Nagmamadali naman bumalik sa dating pwesto ang babae, sakto sa pag upo nito ay bumalik na ang magkasintahan at umupo na sa kinauupuan nang mga ito kanina.
10 minutes lang ang hihintayin nang babaeng stalker bago umepekto nang tuluyan ang gamot.
"Love tikman na natin." nakangiti sabi nang lalaki.
"Yung chocolate sakin yun ha." sagot naman ng babae.
May lumapit pa na isang staff sa mga ito at may dala dala rin itong cake.
BINABASA MO ANG
SINS
Romansa(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)