Gigil siyang bumalik nang kwarto. After niyang lagyan nang sunblock si Father, nag paalam lang ito sa kanya na magswi-swimming, niyaya naman siya nito kaso tumanggi siya, pero nang makita niyang lumangoy rin at lumalapit si Pukengkeng kay Elmo, nagbago bigla ang isip niya.
Ngayon, bumalik siya rito sa kwarto para magpalit nang susuotin niya.
Wait mo lang talaga ako Pukengkeng!
"Ate Janella, mag swi-swimming ka na?" napalingon naman siya sa bagong gising na si Mariel.
"Oo, magpalit ka na rin para may kasama akong mag swimming." pagyaya niya rito.
"Ate nahihiya ako at tsaka wala kong dalang two piece." namumulang sabi nang babae.
Natawa naman siya, buti na lang talaga marami siyang nadala na bathing suits at may two piece rin. O diba!
"Ano ka ba wag ka na mahiya! Tska papahiramin naman kita nang bathing suit, kaya wag ka na mag alala."
Iniabot naman niya ang bathing suit rito. Namumula naman kinuha yun ng babae, alam na niya kung anong iniisip nito.
"Mariel, wag ka mag aalala. Maganda ka okay, mas maganda ka pa nga kesa kay Pukengkeng eh." biglang niyang sabi.
"Sino si Pukengkeng Ate?" nagtatakang tanong nito.
"Ah wala, sige na magbihis ka na at pagkatapos mo ako na susunod."
Sumunod naman sa kanya ang babae. Inilabas naman niya lahat ang dala niya at namili siya kung anong color ba nang two piece ba ang babagay sa kanya.
Yes, magto-two piece na siya, dahil na triggered siya sa pa two piece ni Pukengkeng! Palaban lang si ako hihi!
"Red.. White or Black?"
Hmmm.. Red na lang para lalo mag laway si Father sa kanya, pero kahit anong pang kulay yan, maglalaway pa rin ang lalaki sa kanya. Hihi harot!
Makikita talaga nang Pukengkeng na yon, taob ang two piece niya.
Malakas lang talaga self confidence niya!
"A-ate o-okay na ba to?"
Gulat naman siyang napalingon rito.
Wow! Sabi na nga ba eh! May itinatagong ganda talaga itong si Mariel.
"Okay na okay! Tingnan mo ang ganda pala nang katawan mo pero tinatago mo lang palagi sa mga loose shirts na sinusuot mo."
May pagka boyish kasi manamit itong si Mariel eh.
"Salamat Ate." ngumiti naman ito sa kanya.
"O siya sige ako naman ang magpapalit." paalam niya rito.
After niyang magbihis lumabas na siya nang cr at hinanap niya ang see through sarong niya at isinuot yun, para maipatong na muna niya sa kanya.
Napansin naman niyang nakanganga ang babae sa kanya.
"A-ate ang sexy mo.." puri nito sa kanya.
Natawa naman siya sa reaction nito.
"Thanks Mariel. Tara na sa labas!" pagyaya niya rito.
--
Pagkalabas na pagkalabas nila nadatnan niya ang mga kasama nila na patuloy pa rin sa paglangoy.
BINABASA MO ANG
SINS
Romance(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)