Lakad takbo ang ginawa niya makapunta lang sa Stellan, sobrang dilim na pero buti na lang medyo alam na niya kung saan siya dadaan, naka on rin ang flashlight ng phone niya para makita niya at masundan ang mga arrows na inukit ni Father sa mga puno.
Pagod na pagod siya, sobrang sakit na rin ng paa niya pero hanggat hindi niya nakikita ang lalaki, hindi siya titigil.
Malakas ang pakiramdam niya na nandito lang siya..
Ganun na lang ang tuwa niya ng marinig niya ang agos ng tubig mula sa falls. Nagmamadali siyang tumakbo papunta doon ng makita niya ang familiar na likod ng lalaki.
"Father!" sigaw niya dito.
Lumingon naman ito sa kanya at nagtataka siyang tinitigan nito.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong nito ng makalapit na siya rito.
"Wait lang Father, hihinga muna ko.. Hinihingal pa ko."
Tumitig lang ito sa kanya. Siya naman ay kinalma ang sarili.
"Ano ba kasi ginagawa mo dito? Hindi ka ba natatakot na madilim ang dadaanan mo papunta dito ha." sita nito sa kanya. Nakakunot ang noo nito at obvious na naiirita sa kanya.
Huminga siya ng napakalalim one last time at saka inis na tinitigan ang lalaki.
"Hinahanap lang naman kita Father!" naiinis na sabi niya rito.
"Umuwi ka na." biglang sabi nito.
Tumalikod ito sa kanya at bumalik sa kung saan ito naka pwesto nang makita niya ito kanina.
Nagulat naman siya sa inakto nito.
Baka nagtatampo lang ito dahil sa pag iwas niya nitong mga nakaraang araw.
Sinundan naman niya ang lalaki, hindi niya alam kung tatabi ba siya rito o hindi dahil mukhang bad mood ata ito ngayon.
"Sorry na, alam ko nagtatampo ka kasi hindi ko sinasagot mga calls mo—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin ng magsalita ulit ang lalaki.
"Ang sabi ko umuwi ka na." may pagdiin na sabi nito.
Hindi naman agad siya nakapagsalita. Nasaktan siya sa malamig na trato nito sa kanya.
"Ano bang problema mo? Bakit feeling ko galit ka sakin. Nag sorry na nga ko eh." naiiritang sabi niya.
"Tara na, hahatid na kita." sabay iwas nito sa kanya.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya, tumalikod ito at lumakad palayo sa kanya.
Inis na sinundan naman niya ang lalaki, naguguluhan na talaga siya sa kinikilos nito.
"Sagutin mo nga yung tinatanong ko sayo, wag mo nga kong iwasan!"
Pinipigilan lang niya na wag tumulo ang luha niya, nasasaktan talaga siya sa pakikitungo nito sa kanya, hindi siya sanay.
"Dahil ayokong nandito ka."
Napaawang siya sa sinabi nito.
"A-anong sabi m-mo?"
"Ayoko na kitang makasama pa." pagpapatuloy nito. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya, pero kita niya ang pagkuyom ng kamay nito.
BINABASA MO ANG
SINS
Romantik(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)