S39: WHO IS

609 20 7
                                    







"May relasyon na kayo noon pa."



Tumango sila pareho nang lalaki sa sinabi nang Lola niya.



"Bakit niyo itinago sa amin ito?"



"Patawad po Lola, natakot po kami na kapag nalaman niyo baka paghiwalayin niyo kaming dalawa."



Tiningnan siya nang lalaki at hinawakan nito ang kamay niya.


Matagal naman bago sumagot ang Lola niya.


Nagtataka naman siya kung bakit hindi nagsasalita ang magulang niya. Nakatingin lang mga ito sa kanila.


"Bakit ko naman gagawin yun? Kung nagmamahalan naman talaga kayong dalawa wala na kong magagawa dun." biglang sabi nang Lola niya.



Pareho naman sila nakahinga nang maluwag nang lalaki sa sinabi nang Lola niya.



"At saka noon pa gusto ko na itong si Elmo, mabait na bata at kilala ko pa ang pamilya niya, pero ang ayaw ko lang yung pinagtataguan ako."


Tumango sila nang lalaki at humingi ulit sila nang tawad rito.


"Sabi na nga e, tama talaga ang hula ko nung isang araw.." biglang singit nang Mommy niya.


May pagtatakang naman nilang tiningnan ito.


Natawa ito bigla sa kanilang reaction.


"Well, yung nalaman namin na meron ka nang Baby Eli, bigla ko lang naalala yung lalaking pumunta sa bahay natin 4 years ago." nakangiting sabi nang Mommy niya sa kanya.



Binalingan niya naman ang lalaki na ngayon ay nahihiyang tumitingin sa kanya.



"At ikaw ang lalaking yun diba Hijo.."


Tumango ang lalaki sa kanyang Mommy.


"Sorry po kung hindi ako nagpakilala sa inyo noon."



"Okay lang Hijo, naintindihan naman namin."


Nagkatitigan sila nang lalaki, alam na niya kung ano ang iniisip nito.


Sa tingin ko ito na ang tamang oras para sabihin na sa kanila.


Oras na para sabihin na magpapakasal na sila.

Naramdaman naman niya ang pagpisil nang lalaki sa kamay niya.

Huminhingi na ito nang hudyat sa kanya.

Tumango na siya sa lalaki.

"Uhmm Lola, Mam at Sir.." tawag pansin nang lalaki sa mga ito.

"Alam ko po na sobrang bilis lang nang  ito para sa inyo.."

Nakakunot ang noo nang Lola at ang magulang niya habang hinihintay ang sasabihin nang lalaki.

"Uh-hmm gusto ko pong hingin sa inyo ang kamay nang iyong anak at apo. Gusto ko po pakasalan si Janella.."


Naramdaman niyang lalong humigpit ang hawak sa kanya nang lalaki.


Alam niyang kinakabahan rin ito.


"Kailan babalik si Cecilia dito Hijo?" biglang tanong ni Lola Senya.


SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon