S45: A DAY BEFORE

350 23 6
                                    





"Saan ka ba nagpupunta at bakit ka kinagat nang aso?" tanong nang matanda sa babae.


Kakatapos lang magpaturok nang babae. Pangalawang shot na nang anti rabies ang tinurok sa babae.


Hindi naman sumagot ang babae at nanatili lang itong walang imik.


"Wag ka muna maglalabas okay, pumirmi ka muna dito sa bahay. Baka magtae at makagat ka na naman nang aso kapag gumala ka na naman." bilin nang matanda sa babae.


Sumimangot lang ang babae at napailing na lang ang matandang iniwan ito sa sala na mag isa.


"Bakit lahat na lang nang pina-plano ko parating palpak?!" inis na sabi nang babae.


May balat ba siya sa pwet?

Tanong babae sa isipan nito.


Sa lahat nang na plano nito isang beses lang ito nagtagumpay ay yung pagbibigay nang sulat nito sa kinaiinisan na babae dahilan nang paghihiwalay nito sa lalaking minamahal nito.


"Kailangan ko pa siguro mag isip nang iba pang plano."


Nag isip naman nang malalim ang babae, pero kahit na anong gawin nito ay walang pumapasok na magandang ideya sa isipan nito.


"Arghh!!!!!" gigil naman sumigaw ang babae.


Pero bigla ito natigilan nang may maalala ito.


Yung kasal..


Galit naman na tumayo ang babae.


"Kailangan ko malaman kung kailan sila ikakasal at hindi pwedeng matuloy yun!" galit na sabi nang babae.


Kailangan na niya talaga mag isip nang isang matinding plano.


Kung hindi ay baka mahuli na ang lahat para sa kanya.




——



JANELLA




Ganito pala ang pakiramdam kapag oras na lang ang bibilangin mo at ganap ka nang Mrs. Magalona.


Bukas na ang pinakahihintay niya ang kasal nilang dalawa ni Elmo.


Pinagbawalan muna silang dalawa nang Lola Senya na huwag muna magkita dahil baka raw may hindi magandang mangyari, dahil ganun ang pamihiin kapag ikakasal.


Sumunod naman sila, wala naman siguro mawawala sa kanila kung susundin nila ang Lola Senya niya.


Sumang ayon rin naman ang lalaki. Mas maganda rin daw sa mismong kasal na sila magkita at para ma-surprise na rin daw ito.


"Paniguradong ikaw ang pinaka magandang bride bukas Ateng." nakangiting sabi Ricardo.


"Alam ko na yan bakla. Gusto mo lang magpalibre mamaya eh. Inuto mo pa ko." sagot niya rito.


"Ikaw naman te, pinuri na nga kita ang dami mo pang sinabi sakin pero yung libre mo sakin mamaya wag mong kalimutan." anito sa kanya.


Napapailing na lang siya.


"Pero sana te, wala sana masamang mangyari bukas." nag alalang sabi nito.


Alam niya ang nasa isipan nito. Ganun rin ang iniisip niya lalo na't pagala gala lang si Sisa sa paligid at baka may kung anong gawin na naman ito.


Pero hanggat hindi nito nalalaman na kasal nila bukas ay magiging maayos ang lahat.


Kaya piling pili lang ang inimbita nila, yung malalapit lang sa kanila at sa pamilya nila. Hindi naman karamihan yung sakto lang.


"Ipagdasal na lang natin na sana maging maayos ang mangyayari bukas." sabi niya rito.


Tumango na lang ang lalaki sa kanya.



——



ELMO



Hindi siya makatulog at hindi rin siya mapakali.


Bukas na ang kasal nila ni Janella at ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay.


Maaga siya pinatulog nang Lola Cecilia niya dahil kailangan na raw niya magpahinga pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tinatamaan nang antok.


Namimiss na niya si Janella.


Two days na niyang hindi nakikita ang babae at sa cellphone lang sila nagkakausap.


Napabuntong hininga na lang siya pero konting oras na lang rin naman ang hihintayin niya at mapapasakanya na rin niya ng tuluyan ang babae.


Magiging asawa na niya ito.


Ang sarap sa feeling haay..


Iniisip pa lang niya ngayon ay kinikilig na siya. Pakiramdam niya na ang daming paru paro na lumilipad sa kanyang tiyan.


Yung ganung feeling talaga hehe..


Nang bigla niya naalala ang pag uusap nila ni Mayor kanina.


Palihim siyang nakipag usap rito at nakiusap siya rito na sana ilihim sa kababata kung ano ang mangyayari bukas.


Ayaw niya ito manggulo sa mahalagang araw niya bukas dahil posible yun mangyari kung sakaling malaman nito na ikakasal na siya lalo na't nagbanta ito sa kanya nung huli sila nagkita.


Medyo lumuwag naman ang pakiramdam niya sa sinabi nang Mayor sa kanya na gagawin nito mabantayan lang apo nito.

Salungat rin kasi ito sa ginagawa nang apo nito. Kaya panay ang hingi nang tawad nang Mayor sa kanya.


Nang biglang tumunog ang cellphone.


Natawa siya nang mabasa ang text sa kanya nang babae.



Magiging akin ka na bukas, wala ka nang kawala. Hihihi i love you Father. Can't wait to see you tomorrow.



Nakangiti lang siya matapos reply-an ang babae.




Hindi na rin ako makapaghintay na maging akin ka.















——:9

Nalalapit na tayo sa ending :)

SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon