*Warning: Ang inyong mababasa ay panay kapabebehan, harutan at more harutan lang. Sana'y inyong magustuhan!
Please vote and comment na rin po. Maraming salamat sa lahat nang readers na ElNellas :)
*****
ELMO
"Senya! Nandito na naman kami sa inyong bahay!" masayang bati ng Lola niya.
"Mas mabuti nga yon at may maka usap naman akong ibang tao dito sa bahay na to." natatawang sagot ni Lola Senya.
Halos kakagising niya lang kanina nang ayain siya ng kanyang Lola na dumalaw ulit sa bahay nila Lola Senya dahil nami-miss na raw ng Lola ang kaibigan niya at gusto niya rin makipag kwentuhan dito.
Hindi naman masyadong kalayuan ang bahay nila pero kailangan pa rin nila magdala ng kotse dahil baka hindi kayanin ng Lola niya ang init sa daan at madali na rin itong mapagod.
Sumang ayon naman agad siya sa pagyaya nito, syempre para makita na rin niya si Janella.
Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nakapagtapat na siya ng nararamdaman niya para sa babae at ganun na lang ang tuwa niya na may nararamdaman rin pala ito sa kanya.
Alam niyang sobrang mali ng ginawa niya, marami na siyang nailabag na rules sa pagiging pari niya at alam rin niyang may naghihintay na parusa sa kanya kung sakaling matuklasan lahat ng mga ginawa niya, handa na siya dun pero sa ngayon si Janella muna ang kanyang iisipin.
"Hijo, pwede mo bang paki gisingin ang apo ko, hindi pa kasi siya kasi nagigising at mag tatanghali na, hindi ko kasi maiwan itong mga niluluto ko." biglang naman sabi ni Lola Senya.
Hindi naman niya napansin na nagluluto pala ito ng dumating sila ng Lola.
"Sige po Lola." ngumiti siya rito.
"Pasensya na Hijo, wala kasi si Mariel ngayon. Yun kasi ang lagi nang gigising sa kanya."
"Okay lang po yun." magalang na sagot niya rito.
BINABASA MO ANG
SINS
Romance(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)