S36: COMING BACK

504 26 9
                                    




"Janella..."




"Uhmmm?"



"Matagal ko nang gusto ibigay to sayo..."



Tiningnan niya ang nagsalitang yon pero hindi niya makita ang mukha nito pero pamilyar ang boses nang lalaki.



"Sana magustuhan mo."



Kukuhanin na sana niya ang bagay na yon nang biglang binawi yon nang lalaki.


Nakakunot ang noo niyang tiningnan ito pero laking gulat niya nang makitang may nakayakap na babae rito at nakangising nakatingin sa kanya.



"Anong—"



Pero ganun na lang ang panlalaki nang mata niya na mapagsino niya kung sino ang babae na yun.


Mica...


"Akalain mong sa akin pa rin pala siya mapupunta.." rinig niyang sabi nito.



Nang unting unti lumiliwanag sa paningin niya ang mukha nang lalaki.



Elmo..



Malungkot itong nakatingin sa kanya.


Hindi.. hindi..


Tumawa nang malakas ang babae at sabay hinila na nito ang lalaki, lumakad na ang mga ito palayo sa kanya.



"Elmo!" sigaw niya rito.


Hinabol niya ang mga ito. Basang basa na nang luha ang buong mukha niya.


"Elmo, wag ka sumama sa kanya!!" umiiyak na sabi niya.


Nang bigla itong tumigil sa paglalakad at nilingon siya nang lalaki.


"Janella.." iniabot nito ang kamay sa kanya.



Umiiyak siya habang lumalapit siya sa lalaki.



"Mahal kita.."



Mahahawakan na niya ang kamay nito, konting konti na lang.






Nang bigla siya napabalikwas sa kanyang hinihigaan.



Habol niya ang kanyang hininga.



Panaginip lang pala..



Hinawakan niya ang mukha naramdaman niyang basa yon ng luha.



Umiiyak siya habang tulog?


Pilit niyang inalala ang panaginip at ganun na lang ang pagsisikip nang dibdib niya nang maalala yon.



Hindi.. Hindi mangyayari yon.. Hindi yun totoo.



"Mimi..."



Napabaling ang tingin niya sa kanyang tabi nang marinig ang boses nang anak.


Naka upo na ito sa kama at nakanguso itong nakatingin sa kanya.



Umaga na, maliwanag na sa labas.


"Good morning baby ko.." hinalikan niya ito sa mukha at nagmamadali naman itong yumakap sa kanya.

Halos mag iisang linggo na rin sila dito sa Cebu at hanggang ngayon namamahay pa rin ang anak niya.


"Kamusta tulog nang baby ko ha.."


SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon