JANELLA
Panay lang ang lakad nilang dalawa, wala naman siyang ibang ginawa kundi sumunod lang sa lalaki, hindi naman kasi niya alam kung saan ang daan nila.
Panay hinto naman ang lalaki sa bawat punong makita nito at sabay na inuukitan ng arrow. Nakatingin lang siya rito at nagtataka sa ginagawa nito.
"Para saan ba yang mga arrow na yan Father at ako napapagod sa ginawa mo eh. Lahat na yata ng puno dito inukitan mo na."
Sinuklian naman siya nito ng isang ngiti at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.
"Para kung sakaling wala ako at gusto mo ulit bumalik sa Stellan, alam mo na kung saan ka dadaan. Basta sundan mo lang yung mga arrow na inukit ko." nakangiting paliwanag nito.
Bakit ang sweet?!
Na touched na naman siya sa ginawa nito, feeling niya namumula na siya ngayon.
Bakit kasi ang galing magpakilig ng Pari na to?!
"Thank you, pero gusto ko pa rin na kasama kita kapag gusto kong bumalik ulit dito sa Stellan."
Kita niya ang biglang pamumula ng mukha nito.
O diba hindi lang siya ang magaling magpakilig, ako rin. LOL!
Nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad ng marinig na niya ang agos ng tubig na galing mismo sa falls.
Sa sobrang excited niya tumakbo na siya para makalapit na agad sa falls.
Huminto mismo siya sa may batuhan at sabay na pumikit at huminga ng malalim.
Ahh this life...
"Gusto mo agad mag swimming?" naramdaman naman niyang tumabi ito sa kanya.
"Kapag nag swimming ka.. Mag swi-swimming rin ako." pang aasar niya rito. Kita naman niyang lumunok ito.
"Y-yeah may dala n-na akong damit." nahihiyang sabi nito.
"Good! Akin na muna yang bag ko Father."
Kinuha niya ang backpack niya na dala ng lalaki, nagpalit sila ng bag dahil mabigat ang dala-dala niya, sobrang gentleman talaga nitong si Father. Marami kasi siyang dinala kumpara sa bag ng lalaki na damit at towel lang yata ang laman.
Tsk mga lalaki talaga!
"Ano ba yang mga dinala mo bakit ang dami naman?" tanong nito.
Masaya naman niyang binuksan ang bag niya at iniisa-isang nilabas ang mga laman nun.
"Ofcourse, maliban sa damit ko at towel. Nagdala rin ako ng mga pagkain at tubig na iinumin natin. Baka kasi magutom ka Father, niluto ko yan para sayo." natatawang sabi niya rito.
"Talaga, niluto mo lahat to?" nanliwanag naman ang mukha ng lalaki. Cute talaga!
Tumango siya rito at saka niya inayos ang mga dala-dala nila. Meron rin siyang dalang picnic cloth, o diba parang magpi-picnic lang rin sila.
"Sorry wala man lang akong dinala.." tinulungan naman siya nito sa pag aayos.
"Ano ka ba! Okay lang yun, pasasalamat ko na rin to sayo, sa dami na rin ng naibigay at nagawa mo para sa akin."
BINABASA MO ANG
SINS
Romans(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)