EPILOGUE:
JANELLA
Huminto siya paglalakad niya, tinitigan niya muna ang nasa paanan niya bago siya tuluyang umupo sa may damuhan.
Halos kakarating niya lang, ang dami niya pa kasi inasikaso kanina bago siya pumunta rito.
Kamuntikan niya pang makalimutan bumili nang bulaklak kanina mabuti na lang ay naalala niya.
Inilapag niya ang sunflower na dala dala niya sa tabi nang pangalan nito.
Nang biglang niyang maramdaman ang malakas na malamig na hangin.
Napangiti siya, hinaplos niya ang marmol na bato kung saan nakaukit ang pangalan nito.
"Namiss mo ko no, akala mo makakalimutan ko na." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa pangalan nito.
Halos isang taon na rin ang nakakalipas matapos ang trahedyang nangyari sa buhay niya, sa buhay nila.
Sobrang hirap, halos nawalan na siya nang pag asa sa buhay. Akala niya hindi na siya makakaahon pa.
Masakit, sobrang sakit pero kailangan niyang magpatuloy sa buhay dahil meron pang naghihintay sa kanya kundi ang anak niya.
Napagtanto niya na hindi siya dapat magpakulong sa kalungkutan niya. Kaya kahit papaano unting unti na niya natatanggap na wala na talaga siya.
"I'm sorry kung wala naman ako nagawa para iligtas ka.." naluluhang sabi niya.
Nagiging emotional talaga siya sa tuwing dumadalaw siya rito.
Ilang beses na nga ba niya sinabi yun, na sana noon may nagawa siya para iligtas ito. Hindi siguro ako magsisisi at masasaktan ngayon.
Siguro sana kasama niya pa rin ito. Kung may nagawa lang talaga siya noon, siguro alam niya pa rin ang pakiramdamn na buo pa rin siya.
Pero hanggang puro na sana lang siya.
Napapikit siya at biglang bumalik sa alaala niya ang pangyayaring naganap noong nakaraang isang taon.
——
FLASHBACK
Ilang araw na ba siyang tulog?
Nakatulog nga lang ba siya?
Parang hirap na hirap siya idilat ang mga mata niya.
Nang may makarinig siyang kaluskos sa tabi niya.
Hanggang sa naging ingay na yon. Naririnig niyang may nag uusap sa paligid niya.
"Sana magising na siya.."
Sinubukan niyang igalaw ang kamay niya, dahan dahan lang yon pero sadyang nanghihina talaga siya.
Hanggang sa tuluyan na niya maigalaw yun.
Sinubukan naman niyang idilat ang mga mata niya. Dahan dahan rin, ang unang bumungad sa kanya ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa kisame.
Nasaan siya?
"Gising na siya!"
Tiningnan niya ang kanyang paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa hospital siya ngayon.
BINABASA MO ANG
SINS
Romance(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)