"Ate Janella..."
Rinig niyang tawag sa kanya.
Hindi siya gumalaw. Tulala lang na nakatingin sa kanyang bintana.
Ilang araw na ba siyang ganito?
Yung hindi makakain, yung parang wala na siya sa kanyang sarili.
"Ate kumain ka na, makakasama na yan sayo lalo na sa baby mo kapag ipinagpatuloy mo pa yan."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Nawalan na siya nang gana sa lahat.
Parang gusto na lang niya maglaho na parang bula o kaya sana magising na siya kung isa lamang itong masamang panaginip.
Hanggang sa huli ay umasa siya na sana isa lamang itong malaking biro, na pina prank lang siya nang lalaki na hindi totoo ang lahat.
Hinintay niya ito, umasa siya na babalik to na kakatok ulit ito sa kanyang bintana, gigisingin siya at hihingi nang sorry sa ginawa niya. Tapos yung bigla na lang ito manghahalik dahil miss na miss na siya.
Umasa siya... pero umaasa lang siya sa wala. Niloloko lang niya ang kanyang sarili.
"Ate please.. Isipin mo si baby.."
Hinaplos niya ang kanyang tiyan.
Paano na tayo anak?
Ang sakit sakit.. Iisipin pa lang niya ang magiging sitwasyon nila nang anak niya, hindi na niya kaya..
Galit siya sa lalaki...
Matapos nang nangyari sa kanila, iiwan na lang siya basta nito.
Nangako ito sa kanya pero isang malaking kalokohan lang pala ang lahat.
Galit siya rito dahil sa panloloko nito, naniwala siya sa mga sinabi nito, nagpaloko naman siya.
Napakasinungaling niya!!
Marahas niyang pinahid ang mga luha niya.
Sobrang sakit nang nararamdaman niya, hindi na siya makahinga.
"Ate.."
"Nasaan si Lola?" biglang tanong niya sa babae.
"N-nasa sala siya Ate, bakit?" nag aalalang tanong nito.
Tumayo siya at saka lumakad palabas nang kwarto niya.
Buo na ang desisyon niya..
"Lola.." tawag niya rito nang makita niya ito sa sala.
"Apo, ano bang nangyayari sayo. Bakit ngayon ka lang lumabas nang kwarto mo?" nag alalang tanong nang Lola niya.
"Lola, gusto ko na pong bumalik nang Manila."
Nagulat ang matanda sa sinabi niya.
Gusto na niya umalis sa lugar na to at magpakalayo layo na nang tuluyan.
Simula ngayon kakalimutan na niya ang lalaki.
"B-bakit apo may problema ba?"
"Wala po Lola, pero gusto ko na po talagang umuwi nang Manila." may pag diin na sabi niya.
Matagal bago sumagot ang matanda pero sumang ayon rin ito sa desisyon niya.
Sisiguraduhin kong hinding hindi na makikita at makilala nang lalaki ang magiging anak nila.
I'm sorry anak, pero simula ngayon tayo na lang dalawa.
——
"Diba sinabi ko sa inyo na dalhin niyo sa akin si Elmo!!!!"
Gigil na sigaw Mica sa mga tauhan niya. Galit na galit ito dahil sa mga kapalpakan nang mga to.
Takot naman yumuko ang tatlong lalaking nasa harapan nang babae.
"Sorry po mam, bigla na lang po kasi siya nawala at yung Lola niya na lang ang nadatnan namin na nag iisa sa bahay nila."
"AAAAAAHHHHH mga inutil talaga kayo!!!"
Napaatras ang mga lalaki sa sigaw nang babae.
"Eh yung sulat naibigay niyo ba sa babaeng yun ha?" gigil na tanong niya.
"Opo mam, nakita po namin na kinuha nung kasambahay nila at baka nabasa na po nila yun."
Biglang napangisi ang babae. Atleast may isang plano niya ang gumana.
"Hanapin niyo si Elmo, wag na wag kayong babalik hanggat hindi niyo siya nakikita!" sigaw nang babae.
Tumango naman ang mga lalaki at takot na nagsitakbuhan ang mga ito palabas nang kwarto.
Nang biglang tumawa nang malakas ang babae.
Konting konti na lang mapapasa akin ka na rin.
——:9
End of Book 1 ;)
BINABASA MO ANG
SINS
Romance(Highest Rank in Fanfiction: #17 And #69 in Romance) "You kissed me..." "Hindi dapat mangyari yon, I'm sorry..." "You're a priest.." "Not yet.." "Really?" "Uhm-mm.." --:9 Not your so ordinary love story. Oneshot to full story. Enjoy! :)