S46: THE WEDDING

469 23 9
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Isang magandang panahon para sa isang espesyal na araw ngayon.


Ang pag iisang dibdib nang magkasintahan na sina Janella at Elmo.

Ang araw na pinakahihintay nang dalawa.


"Bro! Ang gwapo mo naman!" pang aasar ni Marky rito.


Tinawanan lang nang binata ito.


"Mariel, yung video natin!" natatarantang sabi ni Ricardo.


"Ano ka ba kanina pa ako nagvi-video dito!" sagot naman nang babae rito.


Nagtipon tipon ang mga malalapit na kaibigan nang Groom sa kwarto nang isang hotel.


Tapos nang ayusan ang Groom at naghihintay na lang ito nang signal para umalis na.


"Babe, ako na lang mag vi-video." inagaw naman ni Marky ang hawak na camera ni Mariel.


"Hoy kayong mag jowa, ayusin niyo nga mag video diyan!" sita naman ni Ricardo sa mga ito.



"Ang gugulo niyo!" natatawa naman na sabi nang Groom.


Lumapit naman si Marky sa Groom at sinimulan na itong videohan.

"Kuya, anong nararamdaman mo ngayon?" pagtatanong ni Ricardo na para bang isa itong reporter.


"Kinakabahan na excited rin.." nakangiting sagot naman nang Groom.


"Bro, paano kung mag runaway bride si Janella?" singit naman ni Marky.


Patuloy pa rin ito sa pag video sa Groom.

Nang bigla naman ito hampasin ni Mariel.


"Ano bang klaseng tanong yan ha." iritang sabi nang babae.


"Ang sakit naman nun babe." nakangusong sabi nang lalaki sa babae.


"Hinding hindi gagawin ni Janella yun." natatawang sagot naman nang Groom.


Kampante naman ang Groom na hindi gagawin yun nang Bride niya sa kanya.

"Ito na lang kuya, ano message mo sa bride mo? I'm sure nanonood siya ngayon."


Feeling reporter talaga si Ricardo ngayon.


Natawa naman ang Groom, pero ginawa pa rin nito ang sinabi ni Ricardo.


Tumingin ito sa camera, kumindat muna ito at sabay ngumiti.


SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon