S42: BLACKOUT

391 22 6
                                    






"Dada mingming!!" sigaw nang anak niya habang tinuturo nito ang falls.


Dinala nila ni Elmo ang anak dito sa Stellan. Sobrang excited ito nang makita ang falls. Gusto pa nga nito magpabitaw sa pagkakarga sa ama niya sa sobrang tuwa nito.


"Next time na lang tayo mag swimming anak ha. Hindi ka pa kasi pwede eh." mahinahon na sabi nang lalaki rito.


"Mingming Leli!!" pagmamaktol na sabi nito.


Totopakin pa ata ang anak nila.


Tiningnan naman siya nang lalaki na para bang humihingi ito nang tulong sa kanya.


Lumapit naman na siya sa mga ito at hinaplos niya ang mukha nang anak.


"Eli, hindi ka pa pwede mag swimming. Baby ka pa kasi eh." sabi niya rito.



"Mingming Leli!!"


At tuluyan na nga tinopak ang anak niya.



Natatawa naman siyang tiningnan nang lalaki.


"Dapat pala hindi muna natin siya dinala dito." anito sa kanya.


Napailing na lang rin siya inakto nang anak.


"Eli, gusto mo ba magalit si Mimi sayo.."


Naluluha naman siyang tiningnan nang anak.


"M-mimi alit Leli.." naiiyak na sabi nang anak.


"Hindi na magagalit si Mimi kung makikinig ka sa amin ni Dada."


Hindi naman siya sinagot nang anak at isinubsob lang nito ang mukha sa dibdib nang ama.


Natatawa naman inalo nang lalaki ang anak nila.


"Manang mana talaga sayo ang anak mo. Matigas rin ang ulo." natatawang sabi nito sa kanya.


"Tse! Ikaw rin kaya, matigas rin ang ulo mo." balik niya rito.


Ngumisi naman ang lalaki sa kanya.


"Yeah, matigas talaga ulo ko... lalong pang tumitigas kapag nakikita kita." anito sa kanya.


Anong—


Bigla naman namula ang mukha niya nang maintindihan na niya ang ibig nitong sabihin.


"Letse ka talaga." namumula na sabi niya rito.


Tinawanan naman siya nang lalaki.



Hindi pa siya tinigilan nang lalaki sa pang aasar sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang nila na nakatulog na pala ang anak nila.


"Dalhin ko muna siya sa loob nang kubo."



Tumango siya lalaki at saka siya sumunod rito buti na lang meron na sila pwedeng pagpapahingahan rito.



"Gusto na tayong madaliin ni Lola Cecilia na magpakasal." biglang sabi nito sa kanya.


Hindi pa pala nila napapag usapan nang lalaki kung kailan talaga sila magpapakasal.


"Pero ang sabi ko ikaw ang magdedesisyon dahil ayaw kitang madaliin." nakangiting sabi nito sa kanya.


SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon