S28: REUNION

604 32 10
                                    




JANELLA





Nagmamadali siyang tumakbo sa loob nang hospital nang makita niya si Ricardo na hindi mapakali sa kinatatayuan nito.




"Ricardo!" tawag niya rito.




Nanlaki naman ang mata nitong tiningnan siya.




"Ateng!"




"Nasaan na ang anak ko?" kinakabahan na tanong niya rito.



"Ate okay na si Baby Eli, mataas ang lagnat niya pero kailangan pa rin tutukan si baby para bumaba na ang lagnat niya."




Nakahinga naman siya nang maluwang nang marinig ang sinabi nito.



"Salamat naman kung ganun. Nasaan na si Eli?" tanong niya.




"Nasa loob nang kwarto te." turo nito sa isang pintuan.




Papasok na sana siya nang pigilan siya nang lalaki.



Nagtataka naman niyang tiningnan ito.




"Bakit Ricardo?"



Iwas ang tingin nito sa kanya para bang may gusto itong sabihin sa kanya.




"K-kasi te..." nauutal na sabi nito.



Hinintay niya ang sasabihin nito.



"Anong problema Ricardo, may gusto ka bang sabihin?"




"Ah w-wala te! S-sige n-na pasok ka na sa loob." pag aalis nito sa kanya.



Ang weird ni bakla ngayon.



Naguguluhan siya sa baklang to pero hindi na niya pinansin yun at nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa kwarto kung nasaan ang anak niya.






"Hey! Naiwan mo yung bag ni baby sa kotse ko."





Napahinto siya nang marinig ang pamilyar na boses.



Nakatalikod siya nang biglang maramdaman na dumaan ito sa likod niya at lumapit kay Ricardo.





"Ah-hh s-salamat.."






"Welcome, sige aalis na ako. Sana gumaling na si Baby."




Narinig niya pang sabi nang lalaki. Lumakas ang tibok nang puso niya.




Yung boses na yon..




Unting unti siyang lumingon para ikumpirma na totoo ang nasa isip niya.



Saktong paglingon niya ay pagbaling naman nang tingin nang lalaki sa kanya.



Nanginginig siya..



Kitang kita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya.


Kahit siya ay gulat na gulat rin.


Bakit sa dinadami dami na pwedeng magkita sila dito pa talaga sa hospital at kung nasaan pa ang anak niya.




"Janella..."



Napaatras siya, nanginginig na lumayo sa lalaki.


Hindi dapat mangyari to.. Hindi pa dapat ngayon, hindi pa siya handa.



SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon