S9: SUNFLOWER

574 25 7
                                    



Medyo malalim na ang gabi ng maka uwi sila ng bahay. Dumiretso na agad ang kanyang Lola sa kwarto nito at mukhang matutulog na. Masyado yatang napagod doon sa party ni Mayor.

Siya naman ay hindi agad makatulog. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at napangiti siya ng makitang meron message si Elmo sa kanya.


See you tomorrow. Good Night Janella.

Napagpasyahan naman niyang reply-an ito.

See ya Father. Good night!

Hindi naman na siya umasa na magre reply pa ito sa kanya at baka nakatulog na rin ito. Itatago na sana niya ang cellphone ng tumunog ulit ito.

Anong favorite mong flowers?

Bakit kaya tinatanong nito? Bibigyan kaya niya ako? Umaasa na naman siya tsk.

Uhmm.. mahilig rin naman ako sa roses pero pinaka-favorite ko talaga ang sunflower. Bakit mo natanong Father?


Bata palang siya mahilig na talaga siya sa bulaklak na yon, minsan nagpapabili pa nga siya sa Mommy niya tapos ilalagay niya sa vase at saka niya idi-display sa kwarto niya. Wala naman dahilan pero gustong gusto niya lang talaga yon.

Ahmm.. Wala lang natanong ko lang hehe. Sige na tulog ka na. Goodnight ulit. Sweetdreams!

Hindi naman na niya nireply-an ito at saka niya itinago ang cellphone sa ilalim ng unan niya.

KJ talaga ng Paring yon, pinapatulog agad siya. Kahit sa text tipid rin ang sinasabi nito, hindi man lang pinatagal ang convo nila. Tsk!

Pero sa loob-loob niya, nae-excite na siya para bukas.

Haaay.. Makatulog na nga, pipilitin niyang matulog dahil need niya rin mag beauty rest. LOL!

——

Good Morning...

Ang aga niya gumising hindi naman halatang excited siya no.

Nagtataka pa nga ang Lola niya dahil naunahan pa niyang magising si Mariel, ito kasi ang lagi gumigising sa kanya kapag tinatanghali na siya ng gising. Nakasanayan na rin siguro niya magising ng maaga, ikaw ba naman may striktang Lola eh.

Naka recieve siya kanina ng isang text message mula kay Elmo na may pupuntahan lang raw ito saglit at saka niya ako susunduin dito sa bahay mamayang hapon at ito na rin daw ang magpapaalam sa Lola niya.

Nilibang na muna niya ang sarili habang naghihintay kay Elmo. Tinulungan niya si Mariel sa mga gawaing bahay, tutal wala naman siyang ginagawa at para madali rin siyang payagan ng Lola niya kapag nakita siyang nagsisipag at natulong sa bahay.

Lumipas ang oras ay naghihintay pa rin siya kay Elmo, natapos na niya lahat ng gawain niya, nag ayos na rin siya ng sarili niya para kung sakaling dumating ang lalaki ay naka ready na siya ngunit maghahapon na, wala pa rin ito.

Sinubukan niyang i-text ito pero hindi naman sumagot.

Baka may ginagawa pa ito, kaya siguro natagalan siyang sunduin? Ganun na lang muna iisipin niya...



After 6 hours...

AAHHHHHH!!!

Wag na wag ng makakapunta yang Pari na yan sa bahay na to kung hindi mababatukan niya ito.

SINS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon