Chapter 2

642 10 0
                                    

Chapter 2

Draven Enmarl Mendez

I'm now entering my senior year. Dito na rin ako pumasok last year, kaya madali na ang makihalubilo.

"Gwen mag-ingat ka" bilin ni mommy na nasa front seat. Bumuntong hininga ako.

"Opo, ma" walang ka gana-gana kong sagot.

"O bat ganyan naman ang mukha mo, di ka ba masaya?" Tanong naman ni papa na syang nasa driver's seat.

"Hindi po. Baka lang po masama ang gising ko" sagot ko at pareho silang hinalikan sa pisngi. Bumaba ako ng Vios. Sa entrance pa lang ay makikita mo na ang sandamakmak na estudyanteng halatang excited na excited na pumasok.

Ewan ko kung bakit pero vice versa ng sa kanila yung nararamdaman ko. End of the world na ata para sa akin.

Nag lakad na ako papasok. Marami ang bumati sa akin at binati ko naman sila pabalik.

Puro orientation lang ang naganap sa unang araw ng klase. May mga bagong mukha, kaya alam kong may mga nag transfer dito.

Humikab ako for the nth time. Lagi na lang ganito pag unang araw ng klase. Wala nang pinagbago.

At nang tumunog ang bell for lunch ay tumayo na ako. Nag inat inat pa ako dahil napagod ako sa matagal na pagkakaupo.

"Gwen!" Isang malungkot na mukha ni Tonette ang sumalubong sa akin. Bumaling ako sa kanya.

"Ha?"

"Gusto daw makipagusap ni Throne sa'yo" sabi nya. Si Throne ay kakambal nya na boyfriend ko naman. Magkakapareho kami ng year, pero magkakaiba ng section. Itong si Tonette lang ang naging kaklase ko.

"Tungkol saan daw?" Nagkibit balikat sya at umalis. Anyare dun?

Kinuha ko yung bag ko at lumabas. As usual kung saan kami nagkikita ay dun ako pumunta. Sa soccerfield ng school namin dun sa isa sa mga bleachers doon. Sa likod ako dumaan. Nasa baba sya at nakatalikod sa akin na naka upo.

"Hi!" Niyakap ko sya sa likod at hinalikan sa pisngi bago ko tinabihan sa kanyang kinauupuan.
"Hi!" Malungkot nyang bati pabalik.

"What's the problem?" I asked him. Saglit na katahimikan bago sya bumuntong hininga. Hinawakan nya ang kamay ko.

"It is not that you're the problem. Nasa akin, I don't know but i'm not getting used to it" kinabahan ako pero di ako nagsalita at hinayaan syang magsalita. "Para bang may kulang. Para bang lagi na lang akong may hinahanap. Yeah, masaya ako pag kasama kita but i'm feeling uneasy. Di ko maintindihan. Ako ang may mali. Nasa akin ang mali. Masyado kang perpekto at mabait sa akin. And I can't see na magiging maayos ang buhay mo kung ako" lumungkot ang mga mata nya. Ten months nang kami ni Throne. Ako ang unang nagkagusto sa kanya. Ako ang nangulit ng nanguli hanggang sa mapansin nya ako. Masyado kasi syang patay na patay sa isang babae noon eh. Nagpapaka martyr kung baga. "Yes, minahal kita. But sobrang iba." Naghahalo halo ang nararamdaman ko. But I don't like na makita nya na ganun ako ka fragile. Na ganun ako ka transparent sa kanya. I want others to see me as a strong woman. Yung nakakaya ang lahat kahit gaano kabigat. Survival of the fittest nga di'ba?

"What do you mean?" I asked him. Hindi ako magpakita ng emosyon. Yung parang plain lang. Yung parang ayaw mo ipaalam kahit kanino na nasasaktan ka na. Laging ganito pag nararamdaman ko nang makikipag break na sa akin ang isang tao.

"Maybe we need to break up now. Maybe it is also for the best" sabi nya at yumuko.

"Okay. If that's what you want" halata ko na medyo nagulat sya sa sinabi ko. Hindi pa rin ako nagpakita ng emosyon. Binawi ko ang kamay ko at tumayo. Pinagpagan ko yung puwetan ng paldang suot ko at naglakad na palayo na parang walang nangyari.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon