Chapter 19

256 6 0
                                    

Chapter 19

Found Out

   Everything happens for a reason. Pero minsan kung ano pa hindi mo inaasahan, yun pa ang mangyayari. Expect the unexpected, ika nga nila.

   Sa buhay, di mo maaaring malaman ang mga mangyayari.Magigising ka na lang sa katotohanang wala na sila, wala na ang taong nagmamahal sayo. Pero may mga pagkakataong bigla na lang silang babalik at muling guguluhin ang buhay mo.

   I felt the cold wind brushed against my skin. It sent shivers to my whole body. Pero nakakaramdam ako ng init sa ilalim ko. Nakapaibabaw ako sa mainit na bagay na yon. Nakakaginhawa sa pakiramdam. Parang pinoprotektahan ako sa lamig. But where am I? Nasaan ako? Wala akong maalala.

   My mind is in hazed.

   Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, kasabay ng pagtigil ng mga kulisap ang pag-adjust ng paningin ko. Nanlaki ang mga mata ko sa una kong nakita. It was Traven, lying on the beach's sand underneath my body. 

   Agad akong napatayo at lumayo. Madilim pa ang paligid, pero nagbabadya na ang pagsikat ng araw. Ilang araw na ba ako tulog? All I remember was, I'm in a yacht.

   Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Wala akong ibang makita kundi ang malawak na karagatan, buhangin at mga natataasang mga puno.

   "Where the hell am I?" napasabi na lang ako.

   Ibinaling ko muli ang tingin ko sa lalaking nakahandusay. Di sya nagalaw. But his body is still warm. Imposibleng patay na sya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. He's sleeping peacefully.

   I poked him. He didn't move a bit. I tried to do it again, but he has the same response.

   "Oh my God!" nagsimula na akong mataranta at mag-alala. Pinakinggan ko ang tibok ng puso nya. It's still beating, but it's faint. lalong namuo ang kaba sa dib dib ko na para bang tatalon na palabas ng katawan ko.

   "Please! No!" pinakiramdaman ko din ang hininga nya. It's the same, breathing but faint.

   Nataranta na ako. Ano ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong gawin? Paulit-ulit kong sabi sa isip ko.

   Pumasok sa isip ko ang CPR.

   "Oo! Tama!" agad kong ginawa ang CPR. Then I swallowed hard before kissing him and blowing air inside his mouth. I repeat it thrice then he woke up. Umubo sya at may iniluwang tubig.

   Agad akong napayakap sa kanya sa tuwa.

   "Thank God!" napaluha na ako. Nung una alam kong nagulat sya sa ginawa ko, pero wala akong natanggap na kahit ano sa kanya. 

   Then everything happened on the yacht flashed on my mind. Agad akong kumlas sa pagkakayakap sa kanya.

   "S-Sorry!" he only nodded with blank expression plastered on his face. Pasimple akong yumuko at nagpahid ng luha.

   "Where are we?" walangf laman nyang tanong. Bumaling ako sa kanya. Nakatayo na sya at tinitignan ang paligid.

   "I-I don't know" sagot ko.

   He is that cold again. Just like when we met. Pero ano pa nga bang aasahan ko. After what I did to him five years ago. It's my fault. At kahit pagbalik-baliktarin ang mga pangyayari, kasalanan ko pa din. At may karapatan syang magalit.

   "Dyan ka na lang ba?" agad ko syang nilingon. Naglalakad na sya palayo. Agad akong tumayo at sumunod.

   Naglakad kami papsok ng gubat. Inabot na kami ng liwanag sa paglalakad. Narating namin ang kabilang dulo, at tama nga ang hinala ko, nasa isang isla kami.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon