Chapter 29

241 6 0
                                    

Chapter 29

Another world

May mga bagay na kusang dumadating sa buhay at may mga bagay na sadyang para sa'yo. Yunh iba naman sinasabi nila na dumating pero di para sa'yo. Kumbaga nakigulo lang sa buhay mo. Kung iisipin mo wala namang ipinanganak na maayos ang buhay. Mayaman man o mahirap, maraming problema at balakid ang dumadaan. Masasabing lahat ng tao ay ipinanganak upang maging magulo ang buhay. Nasa iyo na lang kung paano mo aayusin at pagagandahin.

Dapat tayo ang magdesisyon para sa ating sarili. Hawak pa rin ang kapangyarihan kung magiging ano tayo. Nandyan lang ang mga taong dumadatinh sa buhay natin para gumabay, o minsan ay magpalito sa mga desisyon natin. But one thing is for sure: "We live with a purpose".

Di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. It's almost three days since Traven proposed to me. Kung pwede ko lang picturan yung pagkakataong yon ay nagawa ko para araw araw kong maalala. Diba ganun naman yon. Para ma preserve mo yung mga ala ala. Sabi nila pag kinuhanan mo daw ng litrato ang isang bagay ay hinding hindi na ito mabubura.

Pinaglalaruan ko sa daliri ko yung sing sing. Halos kapareho nung sing sing na bigay ni Draven, ang pinagkaiba lang ay ang dyamante sa gitna. Wala kasi yung kay Draven. Plain silver ring lang.

"Hey! Wanna join me?" He asked whispering in my ears. Yumakap sya sa akin at pinagsiklop ang mga daliri namin. I'm looking at the majestic view of the ocean.

"Saan?" I asked him feeling his heat. Di nagpapakita si haring araw. Masyadong maulap sa kalangitan ngayon. Pero di naman nagbabadya ng pag ulan.

"Sa gubat. Maghahanap ng pagkain" umiling ako.

"Baka paghulihin mo lang ako ng baboy ramo eh..." He chuckled. Lagi kasi syang umaalis na sya lang papuntang gubat para mangiha ng pagkain. Tapos puro panghuhuli lang ng mababangis na hayop na maaari naming kainin ang dala nya palagi. May isang beses nga, isang buong pugad ng ibon ang dala nya. At alam kong malaking ibon ang may ari ng pugad na yon dahil malaki pa sa itlog ng manok yung itlog. Pinilit ko pa syang ibalik yung pugad. Balak yatang lutuin ng sunny side up.

"Don't worry. Maghahanap lang tayo ng prutas" sa huli ay pumayag na din ako. Kung yun lang naman pala ang gagawin ay ayos lang sa akin.

Hinila nya ako papasok ng gubat. Dun kami pumunta sa parteng hindi ko pa napupuntahan. Pero siguro sya oo. Araw araw ba namang nandito sa loob ng gubat. Mas malalaki ang katawan ng punong nandito. Mas matataas din ang damo.

Inaalalayan nya ako sa pagtawid sa mga malalking sangang nakatumba. Halatang maraming ibon sa lugar na ito. Sa bawat punong nadadaanan namin ay maraming nagliliparan. Kaya pala may nakuhang pugad si Traven dito. Napasimangot ako.

Marami kaming nahanap. May bayabas, saging, blueberries at may mangga din. Marami kaminh nahanap ng may nadaanan kaming puno na sobrang taas at sobrang laki. Parang pinakapuso ng gubat. Parang nagiging isang malaking payong yon sa sobrang laki.

"Want to climb?" Nakangising tanong sa akin ni Traven. Sa tantya ko parang yun yung pinaka malaking puno at pinakamataas dito sa isla.

Umiling ako.

"Paano kung mahulog ako?" Pagtataray ko.

"Don't worry. I'll guide you." He reassured. I sighed. Kahit simpleng salita nya lamang ay nakakampante na ako. Like my life depends on him.

Inilapag muna namin yung mga prutas sa isang tabi bago magsinulang umakyat. Pinauna nya ako para daw mas mabantayan nya ako.

Nakaakyat kami ng maayos. Medyo nahirapan lang ako kasi kailangan kong maghanap ng sangang hindi madulas. Medyo may mga lumot na kasi yung sanga. Muntik pa akong mahilog ng isang beses buti at naalalayan agad ako ni Traven.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon