Chapter 30

202 3 0
                                    

Chapter 30

Illusion

Masasabi mo na nabubuhay ka sa mundo ng imahinasyon. Na walang totoo sa mga nakikita mo. Yung hinahawakan mo, yung mundong ginagalawan mo, yung mga bagay na nakikita mo, yung mga naaamoy at nalalasahan mo, lahat ay ilusyon lang dahil walang permanente sa mundo. At ang kaisa isang bagay na permanente ay ang pagbabago.

Madaling magbago ang lahat. Na sa isang iglap bigla na lamang mawawala ang lahat. Yung akala mo sayo na, yung akala mo masaya ka ay bigla na lang mawawala at panandalian lang. Na bigla na lamang naglaho na parang bula. Yung gusto mong matawa dahil sa bilis ng mga pangyayari pero gusto mo ding maiyak dahil masakit pala. Masakit pala na mawala na lang basta ang nagpapasaya sayo.

Binalikan ko yung mga prutas na itinago namin sa ilalim ng ugat nung malaking puno kahapon. Swerte dahil hindi man lang yon nawala o nakain ng mga hayop.

Sa tyantya ko ay mga alas-nuwebe na ng umaga at nakakapagtakang hindi pa rin gumigising si Traven. Nagising ako ng sobrang aga. Pero sya parang wala pang balak bumangon. Mas napagod ata kaysa sa akin.

Naalala ko yung nangyari kagabi habang naglalakad pabalik, yakap yakap yung mga prutas. Pinamulahan ako ng mukha. Naka apat na rounds pa ata kami bago natulog. Di ko rin alam kung paano ako, kami nakababa sa puno. Basta paggising ko na lang kanina ay nasa tent na ako.

Mas mahangin at mas maulap pa ngayon. Parang nagbabadya pa din ng pag ulan.

"Ay!" Napatili pa ako ng may tumalong kung ano sa harapan ko. Tumingin ito sa akin na pasang bang inuusisa kung ano ako. Nakipagtitigan din ako sa kanya. May pagka grayish black ang kulay non. May pagkamahaba ang buntot non na may stripe na black and gray. Parang nahahawig sa pusa pero mas matulis ang nguso non. Hindi ko alam kung anong hayop yon dahil first time ko lan makita. Hindi rin naman ako zoologist para malaman kung anong uri ng hayop yon.

Dahan dahan itong lumapit. Nung una ay kinabahan at natatakot pa ako, pero kalaunan ikiniskis nito ang katawan nya sa paa ko. Para bang nagpapaawa.

Lumuhod ako upang mas maaninag sya. Umupo naman sya sa tapat ko.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko kahit alam kong di nya ako maiintindihan. Tinignan ko ang mga mata nito na mariing nakatingin. Pero hindi sa akin at dun sa pagkaing dala ko.

Kumuha ako ng isang mangga at ibinigay sa kanya. Pero inamoy at tinignan nya lang yon. Ay oo nga pala! Masyado atang malaki para sa bibig nya. Sinubukan ko yung bayabas. Agad nya yong kinagat. Tumingin ito sa akin na para bang nagpapasalamat bago umalis dala dala aa bibig nya yung bayabas.

Tumayo na ako at bumalik. Pero nadatnan kong wala si Traven sa tent. Wala ding ni isang presensya nya sa paligid. Nagkibit balikat ako. Siguro naman ay may kung anong hinuhuli o kinukuha yung lalaking yon.

Naupo muna ako dun sa isang sanga ng puno don at kumain habang iniintay sya. Hanggang sa lumipas sa tantya kong mga tatlong oras at wala pa din sya. Naksilong na ako sa isang puno dahil naulan na naman. At medyo malakas at malalaki ang patak non.

Nakayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. May usok na ngang lumalabas sa bawat pag hinga ko.

Lumipas pa rin ang ilang sandali pero wala pa din Traven akong nakita. Nagsimula akong mag alala.

Nang malapit nang magdilim ay nagpasya na akong hanapin sya kahit naulan.

"Traven!" Paulit ulit kong isinisigaw sa bawat madadaanan kong puno sa loob ng gubat. Kahit doon sa malaking puno ay sinubukan ko din pero wala sya.

Madilim na at parang nalakad ko na ata ang buong gubat. Mahapdi at nagkandasugat-sugat na ako sa paa. Pero hindi ko ininda. Tumutulo na din yung luha ko.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon