Chapter 17

276 4 0
                                    

Chapter 17

Ipagsisigawan mo

I tied my hair in a clean bun. Naka spaghetti strap at jersey shorts lang ako ngayon.

Naupo ako sa harap ng study table ko at sinimulang sagutan yung mga homework ko.

Alas diyes na at malapit na akong matapos ng may bumato sa glass window ko na nagkokonekta sa veranda. Maliit lang naman yon kaya imposibleng mabasag.

Kumunot ang noo ko ng maulit yon.
Sino ba yon?

Tumayo ako at dumeretso sa pinto. Humakbang ako palabas at sumilip sa baba.

At nakita ko sa Traven, nakatayo doon sa aming likod bahay. Napangiti ako.

"Hex! What are you doing here?!" Pabulong kong sabi sa kanya. Tulog na kasi sina mama. Baka magising pa.

"Binibisita ka, bawal ba?" I chuckled. Umiling ako. "Wait!" Sabi nya at sumenyas na wag akong aalis sa pwesto ko.

Maya maya pa ay bumalik syang may dalang hagdan. Natawa ako.

"Saan mo nakuha yan?" I asked him. Ngumisi lang sya at nagkibit balikat.

Inayos nya ang pagkakalagay ng hagdan at umakyat papunta sa akin.

"What's your business here, huh?" Nakapamaywang kong tanong sa kanya.

Nagkamot sya ng batok at tumungo. Kitang kita ko ang pagpula ng pisngi nya kahit madilim. May kinuha naman sya sa likod nya. Isang puting rosas yon. Napangiti ako ng malapad. Kaagad ko yung tinanggap.

"Thanks!" Masayang sabi ko. Inamoy amoy ko pa. Pumasok sya sa loob ng kwarto ko.

Kumunot ang noo ko at pinanood sya. Maya maya pa ay hila hila na nya yung sofa ko palabas.

"At anong gagawin mo dyan, aber?" Natatawa kong tanong. Kung ano ano na kasi ang naiisip np lalaking ito. Nang nasa veranda na yung sofa ay umupo sya doon. Tinapik nya yung gilid habang nakatingin sa akin. Sumunod ako at umupo sa tabi nya.

Inakbayan nya ako. Isinandal ko naman ang sarili ko sa kanya. Nakangiting pinagmamasdan ko pa din yung rosas.

"Why white?" I asked him.

"Hmmmm?"

"Bakit puti, diba pula ang kulay ng pag ibig?"

"Because my brother already gave you red roses. I don't like to be like him" seryoso nyang sabi. Nginusuan ko sya.

"Why? Hindi ba magandang nagkaka pareho kayo at nagkakasundo" he sighed. He is looking at the night sky.

"I don't like the idea. Everyone always compare me to him. At sya yung laging lumalabas na magaling" ramdam ko yung hinanakit nya.

"That's why may kulay ang buhok mo" pumikit sya at tumango.

"I think mas bagay sayo na natural lang ang kulay ng buhok" napatingin sya sa akin at kumunot ang noo.

"Why?"

"It's just di bagay sayo" tiningnan nya ako ng matalim. Tinawanan ko lang sya. Mas lalo pa akong sumandal sa kanya. "You don't need to change yourself just because you were always compared to your brother. Just stay the way you are" paliwanag ko.

I loved him because I knew the real him. Yung gustong malaman ng ibang tao na ako lang ang nakakaalam. I know mahirap syang basahin at intidihin. But if you already knew how to, it would be fun.

The time passed na ganoon lang ang pwesto namin. Hanggang mag alas dose na at kailangan na nyang umuwi. May pasok pa bukas.

"Up for a practice next sunday?" He asked. Na iannounce na ni mam Hidalgo na kami ang magiging representative para sa dadating na music fest.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon