Chapter 7

329 10 0
                                    

Chapter 7

Kiss

"Pagpasensyahan mo na si Traven" mapait na napangiti si tita Llyana sa akin.

"Okay lang po" sagot ko at uminom don sa baso ng juice na dala ko. Nasa may veranda kami. Sinabi na kanina ni Draven ng kami na. Di ko yon napansin dahil kay Traven.

Nagulat ako ng malamang may kambal pala si Draven. Sabi sa akin ni tita kakadating nya lang daw kanina kaya tulog. Galing sa mahabang byahe. Dun daw sya tumira sa lola nya.

"Pero tita, bakit po sya ganun?" Para kasing may kakaiba sa ugali nya. Bumuntong hininga si tita.

"Really? Di ko din alam" uminom sya sa kupita nya. "Nung mga bata pa sila, he's sweet and caring, at si Draven ang Seryoso. Pero sa pagdaan ng panahon ay parang nagpapalit sila ng ugali. Habang nagkakaisip sila ay si Draven ang mas nagiging palasalita at malambing. At si Traven ang nagiging seryoso" napatawa si tita. "And then yun nga he asked me na pupunta syang Amerika at dun sya sa mga lola nya titira. Di ko alam kung anong nagtulak sa kanya. Pero pinayagan ko. At nagulat na lang ako ng bigla syang umuwi at dito na daw sya mag aaral" tumango ako. Paran. Naboo sa loob ko. Yung kagustuhang mas makilala sya. Yung parang gusto kong malaman kung sino sya talaga.

I have that guts na I want to know the deep him.

May pinagusapan pa kami at maya maya din ay pumasok na kami sa loob. Nagiba ng daan si tita. At ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang naglalakad ng may mabangga ako. Napaatras lang ako ng konti dahil di naman grabe yon.

Ng tingalain ko sya ay napatulala na naman ako dahil sa kanyang mga mata. Blanko at malalalim na nakatingin sa akin. Mahirap basahin.

He's now wearing white sando and jersey short.

"U-Um... s-sorry!" Paghingi ko ng tawad. Wala sya response at nanatiling nakatitig pa rin sa akin.
"Gwen!" Tawag ni Draven na ngayon ay palapit na sa amin.

"Lame" Malaki at malalim ang boses nya. Lalaking lalaki. Pagkasabi nya non ay tumalikod na sya at umakyat ng hagdan papuntang kwarto nya.

"Pagpasensyahan mo na ang kakambal ko" di ko alam na nakalapit na pala sa akin si Draven dahil sa humabol ang paningin ko sa kanya. I sighed.

"Ayos lang" sagot ko at naglakad kami papalabas. "I can't understand your twin" sambit ko habang naglalakad kami at nakaakbay sya.

"Yeah... Most of the time talaga ay mahirap syang intindihin. Na kahit ako.... kaming kapamilya nya ay hirap din. Hindi sya nag oopen, kahit sa amin" tumango ako.

Nakalabas na kami at naupo kami sa isang bench sa kanilang garden. Tumingala ako.

"Ang ganda ng mga bituin ano?"

"Yeah"

"Mahirap abutin parang kapatid mo" I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya.

"Pano mo nasabi?" He asked.

"Kasi ang hirap maintindihan at parang mailap" sabi ko. Niyakap nya ako.

"Don't worry magiging maayos din kayo" pero napansin kong parang may ibang ibig sabihin ang kanyang tinuran.

Kunot noo ko syang tinignan.

"Anong ibig mong sabihin?" I curiously asked him.

Kitang kita ko ang pag pagpula ng mukha nya ng umiwas sya ng tingin. I grinned.

"Bakit ha?" I teased him. Umiling sya.

"Weh!" Sinundot ko sya tagiliran. Napaigtad naman sya ng konti.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon