Chapter 27

240 4 0
                                    

WARNING!!!! SUPER SPG

*************

Chapter 27

Game?

Hanggang ngayon itinatago ko pa din kina mama, papa, tita Llyana, Draven at kung sino pang malapit sa akin na mahal ko pa din si Traven. I told them na naka move on na ako. Na wala na. Na nakalimutan ko na sya para lang di na na sila maghinala.

Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kung malaman nila yon. I know maraming masasaktan. Lalong lalo na si Draven. Pati sina mama at papa. Wala silang alam sa mga nangyari. Pati yung pakikipag relasyon ko ng palihim kay Traven. Wala din silang alam. But I doubt dad a little. Sya kasi yung mas over protective sa akin. Tanda ko noon na lagi nya akong pinasusundan sa mga bodyguards nya. I know they would be hysterical of they knew the whole story, that's why we decided not to tell them.

Di ko alam pero nagpapakatanga ako. Kung yun nga ang tamang term doon. Pero diba may pinatunguhan naman. Kala ko nga hanggang asa na lang uli ako eh. But it's all worth it. Heto nga oh at magkasabay kaming kumakain nung ni lechon nyang baboy ramo.

"Traven? Remember when we performed at the stadium during our music class? Yung PT?" Pag o-open ko ng topic.

"Yes. Why?"

"Wala lang. Naalala ko lang kasi na tayo yung napili para kumanta dun sa music festival. Eh umalis ka na papuntang ibang bansa nun di'ba? Tapos liban pa din ako nun. Ansabi wala daw representative and strand natin." Paliwanag ko.

"Talaga?" Tumango ako. "Buti hindi nag-hysteric si ma'am Hidalgo" we both chuckled.

I sighed. Kamusta na kaya sina Sheanne at Gianna? I missed th so much. Kahit na di nila ako tinulungan nung halos bugbugin na ako ni Leina. Wala na akong naging balita after nung incident. We barely talk dahil nauunahan ako ng hiya. And speaking of Leina, sa pagkakaalam ko ay nabuntis daw yun ng maaga kaya napilitang magpakasal.

Natapos kaming kumain. Sya naman ay umalis muli para manghuli ng isda. Ako naman ay walanh ginawa at tumunganga lang dun sa apoy habang unti unti iyong nanghihina bago mamatay.

Pinagmasdan ko yung engagement ring namin ni Draven. Pinaglaruan ko yun. How am I supposed to tell him na ayoko na, na hindi sya masasaktan. Many things have already happened. And I don't know if it's happened for good or bad. Pero gaya nga ng sinasabi ng mama ko sa akin noon, 'Anything happened for a reason. God has planned out everything perfectly'. Mahtiwala lang sa kanya at kayang malampasan ang lahat.

Naalala ko nung nagsisimula pa lamang kami ni Draven. Ano kaya yung naramdaman ko noon. Is it a love? or an infatuation? or a puppy love? Ibang iba kasi eh. Ibang iba kaysa nung kay Traven na. Tama nga ba? O mas na cha challenge lang ako kay Traven kaya ganun.

I shook my head. Kaya ako masyadong nagugulo ang pag iisip eh. Masyado kong pinangungunahan ang mga bagay bagay.

"Hey!" Agad syang sumulpot sa tabi ko.

"Ay! Palaka!" Napatalon ako sa gulat. Napansin naman nya ang nasa daliri ko at sumama ang tingin nya don. Itatago ko sana yung kamay ko pero hinablot nya at kinuha yung sing sing.

"You won't be needing this anymore" halatang galit ang paraan ng pagkakasabi nya. O nagseselos?

Tumayo sya at buong lakas na itinapon sa dagat yung sing sing.

Matalim nya akong tinignan. I pouted at him.

"Bakit mo tinapon?" Tanong ko.

"Bakit gagamitin mo pa?" Ay! Galit pa rin!? Pero bakit parang ang cute nya pag nag seselos.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon