Chapter 8

308 8 0
                                    

Chapter 8

Only me

"Ready?" Bungad na tanong sa akin ng makita na akong pababa ng hagdan. Tumango ako.

Nauna syang lumabas ng bahay. Sumunod naman ako. Aming puting family van ang gagamitin.  We are going to a beach resort. And kasama ang pamilya ni Draven. Meaning magkikita na naman kami nun kakambal nya.

Naaalala ko pa din yung nangyari. Kahit na tatlong linggo na ang nagdaan ay parang sariwa pa din. Di ko magawa yung sinabi nya.

Nagkamali pala si tita ng bigay sa aking kwarto. Kwarto ni Traven ang naibigay nya. Pero di sinabi ni Traven ng magkatabi kaming natulog. Ang sabi nya ay lumipat sya ng kwarto. Nakahinga akong maluwag. Dahil alam kong baka magalit sa Draven. But there is something wrong don sa naramdaman kong relief. Parang may kaunting di tama.

Umandar ang van. Dumeretso kami sa bahay nila. Pagdating naman namin ay handa na sila.

"Um..... Draven?" Tawag ni mama sa kanya. Lumingon namin ito. "Okay lang ba kung ikaw ang makipagpalitan ng pag da drive? Iisa kasi ang driver"

"Ah sige po... wala pong problema..." kaya ang kinalabasan ay di kami magkatabi at sa front seat sya naupo. Nasa pinakagilid ako. 3rd row. Meaning nasa pinakalikod ako. Walong oras ang byahe papunta doon sa pupuntahan namin. Depende pa kung traffic. Magtatagal kami don ng isang linggo.

"Traven! Doon ka na" rinig ko ang boses ni tita Llyana. Agad akong napalingon sa gilid ko. And there, nakita kong papasok sya. Nagtama ang paningin namin. As usual malamig pero nakakadala.

Is he that serious all the time?

Sya na ang unang umiwas at pumasok, katabi ko. Para sa tatlong tao ang upuan. At nasa magkabilang dulo kami.

Di ko maialis ang paningin ko sa kanya. Parang gusto kong panoorin ang bawat gagawin nya.

"Traven, usod" biglang may lumitaw sa gilid na di ko kilala. Pero kahawig nina Draven.

Tinignan ito ni Traven at umusod. Now, magkatabi na kami. Nang napansin nyang nakatingin ako sa kanya ay kaagad akong umiwas ng tingin.

Nagsalampak sya ng earphones sa kanyang tenga at sumandal sa upuan.

Nagsimula na ang mahabang byahe. Nakatingin lang ako sa bintana habang umaandar yon. At kamalas malasan ay inabutan kami ng traffic. Pero balewala lang kina mama. Magkakatabi sila. Si mama, papa at tita Llyana. At masayang naguusap. Nagtatawanan pa. Naguusap sila tungkol sa mga kabataan nila.

Napatingin namdn ako sa rearview mirror sa unahan. Kitang kita ko na nakatingin sa aking si Draven. Ngumiti sya. Ngumuso ako.

"Sana magkatabi tayo" nilabi ko sa kanya. He chuckled. Tapos sinenyasan nya ako na kuhanin ang phone ko. Kaagad kong kinuha yung phone ko. May text sya.

Draven:

You seems bored.

Me:

Yeah

Tinignan ko uli sya habang nagtitipa.

Draven:

Talk to him.

Alam ko kung sinong tinutukoy nya. Tinignan ko sya at ngumuso ako bago umiling.

Draven:

Why?

Me:

He's hard to be with.

Then we heard him laugh. Kahit sina mama ay napatingin din sa kanya.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon