Chapter 3

424 13 0
                                    

Chapter 3

Sakit

Dumaan ng dumaan ang bawat araw at hindi na nawala ang inis ko. Pano ba naman kasi lagi na akong kinulit ni Draven! At talagang nakipagpalit pa sya ng upuan kay Sheanne. At ang luka naman pumayag.

Nagkaklase kami sa Mathematics nang naramdaman kong may sumundot ng aking pisngi. Inis kong pinalis ang kamay nya na di sya tinitignan. Nagsusulat sa board si Ma'am Evangelista at nakopya ako. Naramdaman ko naman na sinundot nya ang pisngi ko. Inis kong ibinaba yung ballpen ko at bumaling sa kanya.

"Ano ba?!" Inis pero mahina kong sabi sa kanya. Nakangisi lang sya sa akin.

"You know? You're cute when you're pissed" parang may tuwa pa sa tono nya. Then, he pinched my nose.

"Ms. Alaguedo! Mr. Mendez!" Napatalon kaming dalawa sa gulat at napatingin kay ma'am na nakakunot na ang noo at masamang nakatingin sa amin.

"Y-Yes po ma'am?" Kinakabahang sabi ko. Patay! Sya pa naman ang pinaka strikta naming subject teacher.

"Kung gusto nyo maglapungan, pwede lumabas kayo! At wag sa klase ko!" Galit na sabi sa amin nito.

"So-" magsasalita pa lamang sana ako ng inunahan ako ni Draven.

"Don't worry ma'am! Sya po yung babaeng papakasalan ko, so normal lang po yun!" Mapagmalaki na sabi nito. Narinig ko ang kantyawan sa room. Nanlaki ang mga mata ko. Nagulat din ang iba sa sinabi nya pero may mga kinilig at natatawa, including my two friends.

"Hays! Mga bata kayo! Ke-babata nyo pa yan agad iniisip nyo!" Parang disappointed na sabi ni ma'am.

"Seryoso po ako ma'am!" Nagtawanan at naghiyawan ang mga ka klase ko.

Hanggang matapos ang klase ay busangot ang mukha ko. Inis akong tumayo at inaayos ang gamit ko. Habang ginagawa ko yon ay kinulbit nya ako. Nakatalikod ako sa kanya kaya di ko na lang pinansin.

Kinulbit nya ako at umakyat na naman ang inis sa sistema ko.

"What?!" Inis na namang bumaling ako sa kanya. Then, he kissed me on the lips. I froze in his sudden move. Yung mga natitira pang tao sa room ay nakatingin sa amin.

Mabilis lang yon at agad syang kumalas. Then I felt my heart beats unnormally. Pabilis yon ng pabilis.

"I'm serious of what I've said earlier" seryoso nyang sabi at saka ako iniwang nakatingin sa kanya. Nang mawala sya ay nakatulala ako. Kasabay ng pagkawala nya sa paningin ko ang pagkawala ng sarili ko.

Wala ako sa sarili hinawakan ang labi ko. Then pababa sa tapat ng puso ko na nagwawala pa din. After almost six months na magkakilala kami, first time kong naramdaman na bumilis ang puso ko dahil sa galawan nya.

"Bes!" Sabay na sabi ni Sheanne at Gianna at lumapit sa akin. Niyakap nila akong dalawa.

"Shet! Ang swerte mo!" Sabi sa akin ni Sheanne nang kumalas na silang dalawa ng yakap.

"Gwen!" Napatingin ako dun sa tumawag. Si Leina yon. Nasa likod sya nina Gianna at nasa likod nya yung dalawa nyang alipores na lagi nyang kasa kasama. Nakapamaywang sya at nakataas ang isang kilay sa akin.

"What?" Parang nagbagang ang damdamin ko ng makita sya. Matagal na sya dito at para sa kanya, wala syang hindi makukuha. Matagal na ako sa eskwelahang ito at matagal ko na rin syang nagiging ka klase pero first time nya akong kinausap. Tumabi ang dalawa kong kaibigan. Si Sheanne ay matalim na nakatingin kay Leina at si Gianna naman ay dun sa dalawang alipores na ganun din ang tingin sa kanya.

Tinignan nya ako from toe to head. Napataas ang kilay ko sa ginawa nya.

"Ano bang nakita nya sa'yo?" Sarkastik ang paraan ng pagkakasabi nya. Ano naman tong pakulo nya? Inirapan nya ako at tumalikod. Ganun din yung ginawa ng dalawang kasama nya.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon