Chapter 10

310 7 0
                                    

Chapter 10

Beautiful

"Dahan dahan" todo alalay sa akin ang boyfriend ko sa akin sa pagsakay ko ng bangka. Mag i-island hopping kami ngayon. Dalawang bangka ang inarkila namin dahil masyadong maliit para aming anim. Dito sa bangka namin ay ako, si Draven at Tito Lawrence. Sa kabilang bangka namang sina tita Llyana, si mama at papa at si Traven na nakapirmi lang na naka upo sa unahan ng bangka na para bang malalim na iniisip.

Apat na araw na kaming nandito and after that night, balik na uli kami sa dati.

Akala ko ayos na. Pero mali pala. Bumalik sya sa dati nyang attitude. Hays! Ewan ko ba sa kanya! Sarap kutusan!

"Want to swim with me later?" Tanong nya habang inaamoy ang leeg ko. Nasa likod ko sa at naka upo ako sa pagitan ng kanyang mga hita.

Ngumiti ako at umiling.

"I'm fine" apat na araw na din akong wala sa mood na mag swimming. Kadalasan ay nasa kwarto lang ako. Saka lang ako nakakalabas kapag hinihila ako ni Draven.

"Why?" Patuloy pa rin sya sa ginagawa nya. Nakayakap ang mga kamay nya sa tiyan ko.

"Nothing.... wala lang ako sa mood" walang gana kong sagot.

"Hey lovebirds! Parang ikakasal na kayo ah!" Nanunudyong sabi ni tito Lawrence. Natawa kami pareho.

"I'm going to marry her someday" napangiti ako sa tinuran nya. He never failed to make me smile.

Sumandal ako sa dib dib nya. Hinuli naman nya ang pareho kong kamay at hinawakan yon. Pinagsiklop nya ang aming mga daliri. Parang ayaw akong pakawalan.

I'm happy to have him. Hindi sya seloso pero protective. Hindi sya naghihigpit sa akin. He just let me do what i want as long as it is not bad for me.

Kagaya na lang ng pagsusuot ng bikini. Ayos lang sa kanya yon. Di man sa pagmamayabang ay may maipagmamalaki naman ako. I know na maraming natingin sa akin at paglalapit naman sila ay lagi syang dadating at hahawakan ang kamay ko bago ako yayakapin sabay halik sa ulo. Natatawa na lang ako pag ginagawa nya yon.

Napatingin naman ako dun sa kabilang bangka. Traven's eye meets mine. He's looking seriously. Pero sya din ang unang umiwas. Kumunot ang noo ko.

Anong problema nun?

"Andito na po tayo!" Turan nung mamang bangkero. Bumaba kami ng bangka. Nauna pa sa akin si Draven upang alalayan na naman ako.

Nilapag namin lahat ng aming mga gamit sa ilalim ng isang malaking puno kung saan may lilom.

Nauna na sina mama sa dagat.

"You're really not going?" Parang nagtatampo nyang tanong. I chuckled.

"Yup" masigla at sigurado kong sagot.

"Ayos ka lang ba dito?" Tumango ako.

"Oy Den-Den!" Kaagad naman syang lumingon kay tito Lawrence. "Tama na muna ang landi! May magandang cliff doon sa banda doon!" Tumawa kami pareho. 

"Sige po tito! Susunod po ako!" Para pa rin teenager si tito kung makaasta. Di nga rin naman halata na nasa trenta na ang edad nya.

Bumaling sya sa akin na may pag aalala sa mata.

"Sige na! Sige na! At inaantay ka na dun!" Sabi ko at pinagtulakan sya.

"Babalik ako agad" hinalikan nya ako ng mabilis sa pisngi at nagtatakbo palayo.

Napabuntong hininga ako at naupo katabi nung mga bag sa buhangin. I'm only watching them. Especially Draven. Ang galing nyang mag vertical pag tumatalon sya sa cliff. Nagyayabangan pa sila ni tito. Nasa pagitan ako ng panonood na may humarang sa harap ko. Napatingala ako don.

It was Traven na matalim na nakatingin sa akin. May hinagis sya sa aking paper bag.

"Wear it" sabi nya at umalis. Agad kong binuksan yon. Isa yong white short shorts.

"Teka!" Agad akong tumayo at hinabol sya. Kahit na napakalayo na nya ay patuloy pa rin ako sa paghabol. Nakarating kami sa may parteng wala nang masyadong tao.

"Teka!" At sa wakas ay nahawakan ko din sya sa braso. Hihingal hingal akong tumingin sa kanya.

Iniaro ko ang paper bag sa kanya.

"I don't need it" tumalim bigla ang tingin nya.

"Susuotin mo o ako ang magsusuot sa'yo?!" Namula ako sa sinabi nya lalo na at may napatingin pa sa aming tatlong babae.

Di ako nagsalita at nakayuko lang sa harapan nya. I heard him sighed at hinawakan nya ang wrist ko.

Hinila nya ako at makanda-dapa dapa ako sa ginagawa nyang paghila.

"Wait!" Pero di nya ako pinakinggan.

Tumigil kami sa tapat ng isang parang banyo. Gawa sa dahon ng niyog na hinabi ang haligi non.

"Change!" Mariin nyang utos at tinuro yung banyo. Agad akong sumunod at pumasok sa loob.

Ano bang problema ng isang yun sa suot ko.

Lumabas ako. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Nang mukhang na satisfied sya sa suot ko ay naglakad sya at nilagpasan ako.

"Oy!" Ang bilis na lakad nya. Halos di ko na maabot. Patuloy lang ako sa paghabol sa kanya. Pumasok pa kami sa loob ng gubat. Nakagat pa ata ako ng lamok at kanina pa akong kamot ng kamot.

"Saan ka ba pupunta?!" Inis kong tanong. Di man lamang sya lumingon o ano. Patuloy lang sya sa paglalakad.

Maya maya pa ay nasalubong ko ang likod nya. Bigla kasi syang tumigil. Muntik pa akong matumba. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

"It's beautiful here, isn't it?" Napatingin ako sa kanya. Teka? Tama ba ang naririnig ko? Pinuri nya ang isang lugar. Naglakad ako papunta sa tabi nya at napanganga na lang ako sa ganda ng lugar. Walang tao. Maraming rock formations, pati sa tubig. Banayad ang hangin at tunog ng bawat hampas ng mga alon. Nagrereplika ang kulay ng langit sa tubig na unti unti nagkukulay pinaghalong kahel at lila na napapalitan naman ng kulay itim na may kasamang nag niningningan na mga bituin.

Di ko mapigilan ang sarili ko sa pagkamangha. It was like watching a beautiful movie in a theatre.

Nagsimulang humuni ang mga kuliglig. Isang indikasyon na malapit na ngang magdilim.

"Tara na at mag ga gabi na." Wala na pala sya sa tabi ko at naglalakad na pabalik. Malayo na sya sa akin.

"Sandali lang!" Nagtatakbo na naman ako para mahabol sya.

Nang makarating sa may bukana ng gubat ay di ko na sya nakita.

"Nasan na yon?" Parang bigla na lang syang nawala na parang bula.
Bumalik ako dun sa pinagiwanan ng mga gamit namin.

"Ayan na sya!" Agad napalingon silang lahat.

Agad lumapit sa akin si Draven at niyakap ako.

"Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo" buo ang pag aalala sa boses nya.

"H-Ha? Ano bang meron?" I asked him. Lumapit na rin sina mama at tita, tito. Ganun din ang mga mukha nila.

"San ka ba galing bata ka?!" Si mama.

"Kanina ka pa nawawala. Papunta na sana tayo sa susunod na isla kaso di ka namin makita" saka ko lang na realize, ang tagal pala naming magkasama ni Traven.

"Ah... ano po kasi..." di ko na naituloy ang sinasabi ko nang may magsalita mula sa likod.

"Let's go" it is his cold voice again. Lumingon kaming lahat sa kanya. Dire diretso lang sya ng lakad na para bang walang nangyari

-End of Chapter-

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon