Chapter 4

375 8 0
                                    

Chapter 4

Something

That night, I can't sleep. Pagulong gulong ako sa kama habang naaalala ko yung halik nya at pagkindat nya sa akin.

"Arrrggggh! That fucking bastard!" Napasigaw na lang ako ng di oras. Di ako nakatulog ng maayos.

Kaya ang kinabukasan ay late akong nagising. Dali dali akong bumangon at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at pinuntahan sina mama at papa sa kusina.

"Bye, Ma" sabay halik sa kanyang pisngi.

"Bye, Pa" ganun din ang ginawa ko.

"Di ka ba kakain?" Tanong ni mama.

"Hindi na po!" Nagmamadali kong sabi at dire-diretsong lumabas ng bahay. Nagpahatid ako sa driver namin. At pagdating ko sa campus ay saktong nagbell, hudyat na magsisimula na ang klase.

"Oh! Shit!" nagmadali akong maglakad. At kamalas malasan ay natakid pa ako at muntik ng magsungasob. Buti na lang at may nakasambot sa akin. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa mga bewang ko.

"Okay ka lang?" I easily recognize that voice. Agad akong napatingin sa gwapo nyang mukha. Our eyes are locked together. Halata ang pag aalala. My heart started to race. Para na naman akong sasabog.

"Y-Yup" my voice shuddered. Bumuntong hininga sya at iniayos ako ng tayo.

"Late na tayo" sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

"Wait!" Di na nya inintay na magsalita ako at hinila ako papasok ng fourth year building. Napayuko na lang ako at nagpadala sa kanya. Kita ko sa gilid ng mata ko ang mangilang ngilang estudyante na napapalingon sa amin pag napapadaan kami, O sya lang? Kita ko din na may guro ding napapatingin.

Nakarating kami sa tapat ng classroom namin. Medyo nahingal ako. Binuksan nya ang pinto at kitang kita ko kung paano sabay sabay na lumingon ang ulo ng lahat ng nasa loob ng room sa aming dalawa.

Nakakunot ang noo ng aming adviser na nag ayos ng kanyang salamin sa mata na nakatingin sa amin. Bago bumaba ang tingin nito sa aming mga kamay. Doon ko lang napansin na magkahawak pa rin pala ang mga iyon.

Pasimple kong tinanggal ang mga kamay ko pero hinigpitan nya ang hawak.

"You're late!" Mahinahon ngunit may diin na pagkakasabi ng aming adviser.

"Sorry po mam! It's my fault. Masyado ko po atang napagod ang girlfriend ko kaya ganun" nagulat ako sa sinabi nya. Ang adviser namin ay blanko ang ekspresyon na nakatingin sa amin. Yung mga kaklase ko naman ay napa-O ang bibig at nagbulungan. Si Gianna at Sheanne naman ay nakangisi habang nanunuya na nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ang pag init ng buong mukha ko. Tumungo ako upang di nila makita.

Nag ayos muli ng kanyang salamin ang medyo may katandaanan ng aming adviser.

"Tutal first time nyo naman ma late ay pagbibigyan ko na kayo. Pero next time hindi na." Sabi nya lang at muling bumalik sa pagsusulat sa board.

Nakahinga ako ng maluwag. Hinila na nya ako papunta sa upuan namin. Nagbubulungan pa rin ang ilan kong mga ka klase. Kinurit ko sya sa kanyang tagiliran.

"Awwww!" Daing nya.

"Why did you said that?!" I asked him in a low tone. Sapat para di marinig ni ma'am.

"Don't you want it?!" Nakangising tanong nya. Hinampas ko sya sa braso at bumaling na kay mam.

Natapos ang dalawang period.

CorneredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon