Prologue
"Alam mo, nakakainis kana. Bakit ba palagi mo na lang ako sinusundan?!"
Mababakas mo sa pananalita ni Anne na naiinis na siya sa akin pero hindi ako magpapatalo sa kaniya. Hindi ako nagpakapagod na habulin siya para lang tarayan. Marahan kong pinagpagan ang aking kuwelyo at taas noo siyang tiningnan.
"Ikaw naman kasi, palagi mo na lang ako nilalayuan. Ako na nga 'tong kusang lumapit sa 'yo, ikaw pa 'tong nag-iinarte diyan."
Nanlaki ang kaniyang mata dahil sa sinabi ko at tinaasan ako ng kilay. Imbis na magpasindak sa kilay niyang parang drawing, nakipagtagisan ako nang tingin at determinadong ipakita sa harap niya na wala akong balak na magpatalo. Mas pinandilatan ko siya ng mata at hindi rin nagtagal ay napabuntong-hininga na lamang siya bilang pagsuko. Nice! Very good.
"Hindi mo ba nahahalata na ayoko makipag-usap sa 'yo at lalong ayokong maging kaibigan ka," mahinahon niyang sabi pero mahahalata mong makamandag iyon dahil may gigil.
Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya, sa halip ay may gumuhit na nakakalokong ngisi sa aking labi. Hindi ako magpapatalo sa isang tulad niya.
"Paano kung sabihin ko sa 'yong gusto kita, lalayuan mo pa ba ako?" mapanghamon kong tanong sa kaniya.
Sa kalagitnaan ng aming titigan ay mayroon ako narinig na boses sa aking likuran.
"I love you, bes."
-
-----------------------------------------
A/N
Ang kwentong ito ay dumaan na sa napakaraming revision kaya kung nabasa mo na ang una at huling nitong version, congrats. Kung hindi pa ay maswerte ka kasi mababasa mo na ito.
PLAGIARISM IS A CRIME!
Vote and Comment.
Thank you
Edited: 06/22/20, 11/23/21, 09/05/23
BINABASA MO ANG
Like Them
Teen FictionFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...