NOTE:
The pic above was made by WennyInNeverland Thanks! Actually tatlo ang gawa niya, isa na doon ang cover☺☺
Salamat at nandito ka!
Typos ahead. You've been warned
Enjoy~
●●●●●●●
Isang tawag ang kagising kay Kaylee. Papungas pungas na tinignan niya ang oras at napakamot sa ulo ng makitang ala'sais palang ng umaga. Tinignan niya ang pangalan ng tumatawag at napakislot ng makitang ang kanyang boss ito sa pinagta'trabaho'an niyang resto.
Dali dali niya itong sinagot at binati ng good morning. Gumanti naman ng bati ang binata niyang boss at walang paliguy'liguy na sinabi sa kanya ang pakay nito.
"Matatanggal ka na sa resto," parang bumbang sumabog ang balitang ito sa kanya. Napatanga siya at napatitig sa kawalan. Hindi niya alam ang ire'react. Tatawa dahil sa padalos dalos nitong desisyon o iiyak at magmakaawa? Gayun pa man ay inayos niya ang sarili at masinsinang nagtanong.
"Sir, bakit po?"
Napabuntong hininga ang nasa kabilang linya, "Kailangan mong umalis sa resto Kaylee, pero huwag kang mag alala dahil ililipat kita sa kompanya ng kakilala ko. Magta'trabaho ka roon bilang secretary"
Kumonot ang noo niya sa balita at sa desisyon nito ng hindi man'lang siya kinunsulta. "Bakit biglaan po ata yan?"
"Yan nga rin ang tanong ko," natatawang saad nito, "pero isa lang ang sigurado ako. Kapag hindi ka pa kumilos ngayun at pumunta sa ite'text ko sayong address ay pare'pareho tayong malalagot. Siya na ang bahalang mag explain nito sayo tutal siya naman ang naka isip nito"
"Sir, sinong 'siya'?"
"Basta. Mag ayos ka na at ibaba ko na ito. Ite'text ko sayo ang instructions pagbaba ko ng tawag"
"Sir---" aalma pa sana siya ng makarinig ng isang tooot, walang nagawang napabuntong hininga siya at tumayo mula sa kama at pumasok sa CR para maligo.
Natatawang napailing na lamang ang isang binata na naka upo sa isang swivel chair habang binababa ang telepono sa gilid.
"Tsk. Nabawasan pa ako ng inpleyado" dismayadong bulong niya at sumandal sa inuopoan. Dinukot niya ang personal na cellphone at tinawagan ang kahapon pang kumukulit sa kanya.
"Did you do it?"
"Tapos na"
"Good..."
Ibaba na sana ng kausap ang telepono pero may pahabol pa siyang tanong, "Ano ba kasing kailangan mo sa kanya ?" Saglit na tumahimik ang kausap sa kabilang linya.
"She's my mate dude."
Mahinang sabi nito dahilan kung bakit muntik na siyang mahulog sa inuupoan. "What the fuck dude?! Nagbibiro ka ba?!"
"Unfortunately, no."
"ARE YOU SERIOUS?! TAO YUN LUKE!" napasigaw na siya sa sobrang pagkabigla.
"I know Bryan... But she's still my mate."
Nanghihinang napasandal uli siya sa swivel chair at napahilot ng sintido. Hindi niya alam na kalahati pala ng kaibigan ang kanyang impleyadong mortal. Naiintindihan na niya kung bakit nito gustong kunin ang dalaga, dahil sa mate pull. Sa pagkakaalam niya ilang araw na ang nakararaan mula noong huling bisita ng kaibigan niya doon sa resto kung saan nagta'trabaho ang babae. Ang tibay naman ata ng kaibigan at nagawa pang hindi na muling bisitahin ang dalaga matapos ang araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
WerwolfKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...