"Luke! Bilis bilisan mo naman jan!"
"Oo! Pababa na ako!"
Nagmadali akong bumaba sa hagdan habang inaayos ang kwelyo ko. Kanina pa talak ng talak si Kaylee, kesyo ang bagal ko daw kumilos kelalaking tao.
Sinong hindi babagal sa ganitong oras ng pagtulog? Alas-onse na nang gabi at bigla akong binulabog ni Kaylee mula sa pagkakatulog. Samahan ko daw siyang mamasyal.
Nakuu naman! Sa ganitong oras pa niya naisipang mamasyal?!
Pero wala na rin akong nagawa. Sinamaan ako ng tingin eh.
"Ano bang pumasok diyan sa utak mo at ganito ka lalim na nang gabi ka nag-aya?"
Bunggad ko sa kanya nang marating ko ang kinaroroonan niya. Nagkibit balikat siya at naunang naglakad.
"Gusto lang kitang makasama sa natitirang oras ko dito.. "
"Ano?"
"Hmm, wala." Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti.
"Tara na, siguradong magugustuhan mo ang pupuntahan natin."
Hindi na ako umimik pa at sumunod na lang.
Matapos ang araw na iyon, nag iba na ang pakikitungo sa amin ni Kaylee. Lalo na sa akin.
Nakikipaghalubilo siya, nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa mga bata. Ilang beses niyang sinabi sa akin na mahal niya ako, na sa maikling panahon ng pagsasama namin dito ay natutunan niya akong mahalin.
Masaya ako. Oo. Dahil alam kong mahal niya ako at tanggap niya ang lahi namin pero may parte sa puso ko na nasasaktan.
Nagtataka ang mga taohan ko. Bakit naging ganun siya, talaga bang nakakapagbago sa isang tao ang galing sa mahabang pagtulog.
Pero ako, alam ko kung bakit. Pero hindi kayang tanggapin ng buong pagkatao ko ang dahilan.
Hindi kayang tanggapin ng puso ko na handa niya akong iwan para sa tungkulin niya.
Bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Ang lawak ng ngiti niya, na para bang wala siyang gagawing ikasisira ng pagkatao ko at ng puso ko.
"Nandito na tayo,"
Umalis siya sa harap ko ay sinalubong ako ng isang malamig na hangin. Nakatulala lamang ako sa tanawin na nasa harap ko.
"Ang ganda diba, Luke?" Nababakas ang saya sa boses niya. "Nakita ko ang lugar na ito nang minsa'y nagliwaliw ako."
Maganda nga.
Isang water falls ang nasa harap namin. Napapalibutan ito ng magagandang bulaklak na binibigyang buhay ng sinag ng buwan.
Napakalinis ng tubig nito at malinaw mong makikita ang nasa ilalim ng tubig.
Makikita mo mula sa repleksyon ng tubig ang buwan, na magiging saksi ng gabing 'to.
"Luke, alam kong alam mo kung ano ang mangyayari.. Nagpapasalamat ako at hindi ka nagbigay ni isang salita para sa desisyon ko."
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Kailangan kong maghanda Luke. Hindi pa sapat ang kaalaman ko mula sa pageensayo namin ni Carissa.
Hindi lang iyon ang haharapin niyo, natin Luke.
May mas mabigat pa tayong haharapin."
"Bakit kailangan mo pang umalis?"
"Marami pa akong hindi alam na pasikot-sikot sa kapangyarihan ko. Masuwerte ako at hindi na nanlaban pa ang mga rebelde kaya walang nangyaring mas madugong labanan.
Pero hindi lamang mga rebeldeng lobo ang makakalaban natin sa susunod Luke.
Iba't ibang nilalang, mula sa iba't ibang panig ng mundo ang magsasama para pabagsakin ang mga taong lobo,
Lalong lalo na ako, sa akin kumukuha ng sapat na lakas si Artemis para makatapak dito sa lupa.
Kapag nawala ako, kahit kailan, hindi na magagawang makialam ni Artemis sa mga nangyayari dito."
"Bakit ikaw pa?! Bakit ikaw pa ang napili niya?!"
Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Naramdaman ko nalang na pinunsan niya ang pisngi ko habang kinukulong sa mga palad niya ang mukha ko.
"Hindi ko pa masasabi sa ngayon, nauubusan na ako ng oras. Pero tatandaan mo ito Luke,
Babalik ako, babalikan kita, babalikan ko kayo."
At unti unti siyang naglaho sa paningin ko kasabay ng isang nakakasilaw na liwanag.
"Sana'y maintindihan mo, isang napakabigat na responsibilidad ang nakapatong sa kanyang balikat at hindi niya ito matatakasan.
Aking likha, magpakatatag ka"
Nanlabo ang paningin ko at unti unti akong napaluhod sa lupa. Tinitigan ko ang luhaang repleksyon ko sa tubig ng talon.
Mas masakit ito kesa sa mga nagdaang buwan nasa natutulog siya. Hindi ko alam kung kailan siya babalik, wala siyang iniwan na magpapanatag sa akin.
Parang sinuntok ng paulit ulit ang puso ko. Sobrang sikip at halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit.
"KAYLEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!"
At sa gitna ng gabi, eksaktong alas-dose ng madaling araw.
Maririnig ang isang unggol ng lobo na puno ng sakit, pangungulila, at kawalang pag-asa.
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
THE END
This is the last chapter na guys! Huhuhuhuhu! Salamat, salamat, sa mga bumabasa nitong story ko.
Alam ko sobrang pangit na maganda. Una, maganda dahil sa plot, pero pangit ang flow ng story!!!!!!!!
Kaya napagdesisyonan kong tapusin na ito at hayaan na lamang sa inyong emahenasyon ang susunod na nangyari.
MARAMING-MARAMING SALAMAT MGA SILENT READERS!!!!!!!!!
HANGGANG SA MULI!!!!!!!!!!!
PAALAM!!!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
Hombres LoboKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...