CHAPTER 8

2.2K 71 3
                                    

1058 words! Wow! Di ko akalaing aabot sa ganito ang laman ng isang chapter ko. Sana magtuloy tuloy ito. Love you guys! Enjoy.

●●●

LUKE⏺

"Alpha, hindi tayo dapat na magpadalos-dalos"

Agad akong pinigilan ng aking Beta sa paglabas ng aming teritoryo. Marahas ko siyang nilingon gamit ang ulo ng aking lobo.

"Huwag mo akong utusan Beta!" Pagkausap ko sa kanya gamit ang aking isip. Agad siyang napayuko sa tono ng aking boses. "Ang kalahati ko ang nakasalalay dito kaya manahimik ka!"

Parang hindi ko yata nakilala ang sarili ko ng ilang segundo.

Masaydong marahas ang paggamit ko ng aking tono na hindi ko naman ginagawa noon.

"Alpha, Luna din namin ang nakasalalay dito. Kapag sumugud kayo doon na walang plano paano na kami?!" Bahagyang tumaas ang boses niya. Hindi ko man gusto ang pagsagot niya sa akin ang hinayaan ko nalang itong matapos. "Isipin mo rin naman ang mga nasasakupan mo!"

Napaisip ako sa sinabi niya.

May punto naman siya, pero paano na ang aking kalahati na walang kalaban laban?

Dinig na dinig ko sa aking utak ang mga sigaw niya, pero kahit minsan ay wala akong narinig na pagmamakaawa. Sadyang malakas at ma-prinsipyo ang aking kalahati.

Ilang oras na mula ng dinukot siya ng hindi namin kilalang kalaban, at tatlong oras na mula ng nagsimulang madinig ko sa aking utak ang mga sigaw niya.

May lumabas na luha sa mata ng aking anyong lobo.

My mate is having a tough fight.

Bumaling ako sa aking Beta, na nakayuko sa aking harap na tila pinagsisihan ang ginawang pagsigaw sa kanyang Alpha.

"Magpadala ka ng scouts dito sa border line, bumalik na tayo sa pack house"

Tumunghay ang aking Beta at tumango sa akin. Natigilan siya saglit at napatulala sa kawalan ng ilang segundo, matapos niyang magbigay ng utos sa mga scout gamit ang isip ay nagpalit siya sa kanyang anyong lobo.

Tumakbo agad ako pabalik sa aming pack house habang siya ay nasa aking likod.

"Luke... Tulungan mo ako... Luke..."

Bigla akong napatigil nang marining ko ang boses ni Kylee sa aking utak.

Nanghihingi siya ng tulong, puno ng sakit ang kanyang boses at pagsusumamo. At ang pinakamasakit sa lahat, parang susuko na ang kanyang tono ng pananalita.

My poor mate....

Please dont give up...

Im comming....

Wait for me mate....

"Alpha?"

Lumingon ako sa kanila.

"You spaced out," kumonot ang noo ng aking kaibigan na kapwa Alpha.

Yes.

I gathred my allies just to save my mate. That's how important she is to me.

"She called me," nanlaki ang mga mata nila, may alam kung ano ang tinutukoy ko "She's asking for my help... my poor mate" i cried.

Tumayo sa gilid ko ang isa ko pang ka alyansa at tinapik ako sa balikat.

"Meeting adjourned," baling niya sa mga kasama namin. "We attack in dawn"

Tumango ang lahat at isa isang umalis habang nanatili naman sa loob ng kwartong itong ang mga alpha na katulad ko.

Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon