CHAPTER 7

2.2K 91 0
                                    

This chapter is dedicated to YlCero Hi po! I know maliit lang na chance na mapansin mo ito pero sana maapreciate niyo po. Salamat!😄

●●●

●Kaylee●

Kinabukasan ay iniwasan ko si Luke. Nakakulong lang ako sa kwartong nakalaan sa akin habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame.

Hindi ko na matawag na sir si Luke. Hindi ko alam kung nawalan ba ako ng respeto sa kanya bilang amo o talagang iniisip ko lang na, hindi ko na siya amo. Ewan ko ba sa sarili ko, minsan parang may bumubulong sa akin na hindi talaga dapat sir ang tawag ko sa kanya nagbago lang ito at tinawag ko siya sa kanyang pangalan ng malaman ko ang pagkatao niya.

Napaka imposible ng mga sinabi niya. Pero alam kong totoo ito dahil nakita ko mismo gamit ang sarili kong mga mata.

Napabuntong hininga ako at umopo.

Pagkatapos kong kumain kagabi ay nag iwan siya ng mga salita bago lumabas. Hindi ko na siya nakita simula sa mga oras na iyon.

Napakamot ako sa ulo at nagpasyahang maligo muna bago bumaba. Papasok na sana ako sa aking banyo ng makarinig ako ng nabasag.

Nanlalaking matang napalingon ako sa terrace ng kwarto at napaatras dahil sa nakatayong lalaki doon. Mataas ang kanyang buhok na tinalian niya, nakasumbrero at hindi ko maaninag ang kanyang mukha, tanging ang kanyang matang nagaagablab na kulay ng apoy ang aking nakita.

Napakabilis ng pangyayari, namalayan ko nalang na nasa likod ko na siya at may itinakip siyang panyo sa aking ilong.

Nagpumiglas ako. Sobra sobrang lakas ang inilabas ko sa sobrang takot ko pero ni hindi man lang lumuwag ang napakahigpit na kapit niya sa akin.

Unti unting pumikit ang aking mga mata hanggang sa nawalan na talaga ako ng malay.

Nagising ako sa malamig na tubig na tumama sa mukha ko. Nahigit ko ang aking hininga at tumingala.

Nakita ko aa aking harapan ang lalaking siyang kumuha sa akin, may hawak itong timba na walang laman. Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa gilid nito. Ang kanyang braso ay nakapalibot sa kanyang dibdib habang matiim na nakatitig sa akin.

Kumalabog ng malakas ang puso ko. Naghabol ako ng hininga at malalim ito. Pinilit kong magsalita kahit na nanginginig ang aking mga labi.

"A-anong kailangan niyo s-sa akin?"

Tumaas ang labi ng lalaking katabi ng may hawak na timba. "Hindi ba dapat ay ang una mong itatanong ay nasaan ka?" malalim ang kanyang boses, at puno ng panunuya ang kanyang tono.

"Alam k-kong hindi niyo ako s-asagutin kapag y-yan ang itinanong k-ko"

Lumakad ito palapit sa akin, kaya halos magsumiksik ako sa pader sa likod ko. Huminto ito sa harap ko, malapit sa akin.

Bahagya siyang yumoko. "Hmm. May utak ka naman pala." Ngumisi siya at tumalikod, bumalik siya sa tabi nung lalaking bumuhos sa akin.

"Ihanda mo ang sarili mo," Ngumiti siya ng nakakatakot "matutuos tayo."

"AHHHHH! ARRRRRGGGHHH!!"

"YAN! SIGAW PA! HAHAHAHAHA!!"

Umalingawngaw sa apat na sulok ng kwartong iyon ang sigaw ko. Nakahiga ako sa isang mesa na gawa sa kahoy, at nararamdaman ko ang malamig na metal na pumapalibot sa mga kamay at paa ko.

Punit punit ang aking damit, habang naliligo ako sa sariling dugo.

Malakas na sumigaw uli ako ng saksakin niya ang binti ko ng kutsilyo. Naramdaman kong bumaon ito sa aking balat, at malalim ang pagkakabaon nito.

Nakagat ko ang labi ko sa sobrang sakit nito. Hindi lang iyon, puno pa ng sugat ang katawan ko.

Ano bang kailangan nila sa akin? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Sa pagkakaalam ko wala ni isa akong inagrabyado. Wala ni isa akong naging kaaway.

Nakahinga ako ng maluwag ng bigla siyang tumigil. Ramdam na ramdam ko ang labis na sakit at pagod.

Biglang bumukas ang pinto, at pumasok doon ang lalaking may malaking katawan. Ang kanyang aura ay nagsisigaw ng kapangyarihan. Natakot ako ng bigla itong lumingon sa akin, at tumitig gamit ang kanyang matang sobrang matalim kung makatingin.

"Tapusin mo na yan pagkaraan ng limang minuto kapag hindi pa dumadating ang alpha ng BloodMoon"

"Masusunod, alpha"

●●●

Short update 😅✌ Sensya at nabitin kayo. Bawi nalang ako sa next update

Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon