CHAPTER 11

2K 68 0
                                    

Bumilis ang tibok ng kanyang puso, namawis ang kanyang noo, at nanginig ang kanyang labi. Maingat siyang umopo nang namalayang tuluyang nawalan ng ulirat ang dalaga. May namumuong tubig sa sulok ng kanyang nagiinit na mata habang dahan dahang nilingon ang kamay na nangingig.

Binabalutan ito ng dugo na galing mismo sa kanyang kalahati!

Tuluyang bumuhos ang masaganang luha na kanina niya pa pinipigilan. Naghahalo halo ang mga emosyong pilit niyang kinikimkim, matinding inis, galit, pag aalala at takot.

Inis para sa sarili dahil naging pabaya siya at hindi napansin ang paparating na balisong na mabilisang inasinta at itinapon ni Eix sa dalaga. Galit na galit siya sa lalaking dahilan ng hirap na dinanas ng kanyang kalahati. Sa kabilang banda, napuno ng takot at pagaalala ang kanyang dibdib habang inaalala ang kalagayan ng dalaga. Maaaring maubusan ng dugo ang babaeng nasa bisig niya pero naging blangko ang kanyang utak.

Gusto niyang ipaghiganti ang dalaga!

Maingat niyang hiniga sa malamig na sahig ang dalagang walang malay habang namumutla at naaawang pinanood ito ng mga kasamahang galing sa ibang pack. Malamang ay abala ang kanyang mga pack members at nararamdaman nila ngayon ang matinding emosyong nararamdaman ng kanilang alpha.

"Ha!ha!ha!ha!" Nakuha pang tumawa ng lalaki habang mahigpit na nakakapit sa magkabilang braso at paa ang kanyang mga kasama.

Nakuha nito ang atensyon ni Luke. Marahas siyang lumingon sa lalaking sanhi ng lahat ng ito at natakot ang apat na kasamahan niya nang makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Madilim, galit, at puno ng hinagpis. Ang kanyang mata ay purong itim, senyales na ginamit ng ispiritong lobo, na nasa loob ng kanyang katawan ang katawan ng binata. Nasa sulok ito ngayon ng kanyang utak habang hindi maawat sa pagiyak dala ng matinding emosyong naramdaman.

"I'll kill you." He threatened, his voice full of venom.

Namutla ang lalaking kaharap at napatigil sa pagtawa. Ang dati'y namumutlang mukha ng apat na kasama ngayun ay halos wala ka nang ibang makitang kulay sa kanila. Parang binuhusan ng suka ang kanyang mga kaharap lalong lalo ang ang lalaking nasa gitna kung saan naka pokos ang kanyang atensyon.

Wala sa sariling sinugod ni Luke ang lalaking siya'ng sanhi ng kalagayan ng kalahati. Sabay na nabitawan ng dalawang kasamahan niya ang lalaking kanyang biktima at lumayo sa kanila. Hinyaan nilang siya ang tumapos sa buhay nito, at para na rin mapakalma ang nagwawala niyang demonyo.

Sinuntok niya ito sa panga, sa sobrang lakas ng kanyang suntok ay tumilapon ito sa kabilang parte ng kwarto. Napasandal ito sa pader at pinahiran gamit ang braso ang kanyang dumudugong labi. Dumura pa ito ng dugo sa gilid.

Parang nabuhay ang angas sa loob ng kanyang biktima at dagling tumayo at gumanti ng suntok sa kanya. Umiwas siya, hindi tinamaan. Umatras siya ng ilang hakbang sa lalaki, at nag palit ng anyo kasabay ito. Mukhang natunugan nito ang kanyang balak.

They launched at each other, growl at every scratch they received, they're both covered in blood, but no one surrended. Both side step aback and breathe heavily. Nagkatinginan ang dalawang lalaking nanonood. Ngayon palang ay alam na nila kung sino ang dehado.

The enemy's body is full of wounds and he's covered in blood, while Alpha Luke only have a scratch at his arms, also covered in blood but it's not his blood, it's from his enemy.

Nakatingin siya ng matalim dito habang humihinga ng malalim, the two shared a glare, and an invisible electricity sparkled between them.

Doon na sumingit ang dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid ni Kaylee. Tila pinoprotektahan nito ang dalaga sa ano mang posibleng dumating na kalaban.

"Alpha," tinawag nila ang pansin ni Luke. Marahas na lumingon ito sa kanila, bahagya pa silang napaatras sa talim ng tingin nito.

Nanginginig na napatingin ang dalawa sa dalagang naka higa sa malamig na sahig. Sinundan ito ng tingin ni Luke at napamaang sa nakita. Puno na ng dugo ang damit ng dalaga habang naghihingalo. Maputla ang kanyang balat at nauubusan na ng dugo!

"Kaylee!" Napasigaw siya sa sobrang takot at pagaalala. Nagmamadaling lumapit siya sa dalaga at binuhat ito. Halos paliparin na niya ang pinto ng kwartong iyon makalabas lang doon. Napahinto siya, tinitigan niya ng masama ang lalaking nakatunggali.

"Kayo na ang bahala diyan." Malamig na saad niya habang hindi ito nilulubayan ng tingin.

=-=-=-=-=-=




Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon