Yesterday, 8 am
Pinark ni Luke ang kotse sa gilid ng isang malaki at magarang bahay. Ang pack house. Pagbaba niya ng kotse sumalubong sa kanya ang isang lalaking matangkad, may brown na buhok at naka v-neck blue shirt.
Yumoko ito sa harap niya at bumati, "Alpha,"
Alpha, ang tawag sa lider ng isang pack. Ang nasa harap niya ngayun ay ang kanyang beta o right hand. Ito ang umaasikaso sa pack kapag wala siya. Tumango siya dito at umikot sa kabilang side ng kotse.
Sa pagbukas niya ng pinto sumalubong sa kanya ang nakakahalimuyak na amoy ng dalagang kasama. Ang kanyang secretary, Kaylee Laison.
Nakatulog ito sa gitna ng byahe kaya hinayaan niya nalang. Bahagyang noyugyug niya ang balikat nito. Kumilos ang dalaga ngunit tulog larin ito.
"Kaylee, wake up"
"Hmm, sir...?"
Bumukas ang mata nito at nagtatakang tinitigan siya. Marahil ay tulog pa ang diwa nito. Binigyan niya ito ng isang tipid na tango at hinayaang bumaba ng kotse.
"Dito na tayo...?" Nilibot ng dalaga ang tingin sa buong paligid at huminto ang mata nito sa malaking gate na nagsisilbing entrance. Kahit malayo ay kitang kita parin mula sa kinatatayuan ang malalaking letra.
"BloodMoon?"
Hindi pinansin ni Luke ang sinabi nito at lumakad papasok sa malaking bahay. Walang nagawang sumonod dito ang dalaga habang dala dala ang kanyang maleta.
Nagtaka si Kaylee dahil lahat ng madaanan nilang tao ay yumuko. Kahit naiilang, hindi nalang niya pinansin ang mga ito at sumonod sa binata. Huminto sila sa isang pinto na may katabing isa lang pinto na kakaiba ang desinyo.
Humarap sa kanya ang binata, "This will be your room, temporarily" tumango siya sa sinabi nito, "I'll leave you now. Ipapatawag nalang kita kapag manananghalian na. If you want to wander around, ask me"
Namalayan nalang niyang wala na sa harap niya ang binata. Napabuntonghiningang pumasok siya sa silid at pabagsak na humiga sa malambot na kama.
Hindi niya alam kung ano ang pinunta nila dito, wala siyang pakialam basta siguraduhin lang ng boss niya na tungkol ito sa trabaho.
"Alpha," yumuko sa harap niya Dexter, tumango siya dito at umopo sa swivel chair na nasa likod ng kanyang mesa.
"How's the pack?"
"So far, wala naman pong natatanggap na report na may mga intruders "
Tumango siya, "My father, any progress?"
Saglit na nagisip ang kausap, "None, sir."
Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan niya at sumadal sa likod ng upuan. His father, Lucas Alvares is in coma. For a werewolf, it's not good to be in this state. Especially an Alpha. 30 percent of chance of life, and 70 percent of chance of death.
He was 19 years old when all this happened. Masaya naman sila, tahimik at payapa ang pamumuhay. Pero nagbago ang lahat. Nagbago na ang lahat.
Araw ng Pasko, kung saan dinidiwang ng mga tao ang pagsilang ng kanilang Diyos. Ito rin ang araw, kung kailan ipinanganak ang kanyang bunsong kapatid.
Masaya ang lahat, dahil may bagong sanggol sa maliit nilang community. Pero nasira ang kasiyahan nila ng humahangos na lumapit sa kanila ang isang pack warrior.
"Apha," yumoko muna ito sa harap nila at hinabol ang hininga. Hindi pa man nakaka'recover sa nangyari ay muli itong nagsalita,
"Sinalakay tayo ng mga Aubreys"
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
Hombres LoboKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...