This chapter is dedicated to WennyInNeverland
Typos ahead, you've been warned
●●●
"LUKE PALABASIN MO AKO DITO!!!! LUKE!!!"
Malakas na ingay ng kalampag ang yumayanig sa buong pack house. Lahat ng mga nakatira dito ay nagsisimula nang mairita dahil sa ingay.
Kanina pa nagiingay ang babaeng naka kulong sa isang kwarto sa pack house, gabi na at hindi parin ito tumitigil.
"Hindi pa ba siya pagod?" Tanong ng isang babaeng naka upo sa isang wooden chair, nasa hapag sila ngayun at nagsasalo-salo.
"Hayaan mo na." Sagot naman ng isang babaeng medyo may katandaan na. Napabuntong hininga nalang ang dalagang nag tanong at napailing.
Narinig ni Luke ang maikling usapan kaya napalingon siya sa may hagdan. Tama ang iniisip niyo, kinulong niya ang dalaga sa kwarto nito para hindi ito makalayo sa kanya.
Sa maikling panahong pinagsamahan nila, kahit hindi niya ito kinikibo, unti unti niyang natutunang mahalin ang dalaga. Alam niya sa sarili niyang kahit iwasan niya ito ay hinding hindi niya matatakbuhan ang mate bond.
Maaring hindi nararamdaman ng kanyang mate ang mate bond, hindi na siya nagtaka tungkol dito dahil isa lamang tao ang nakatadhana sa kanya.
Ng sabihin ng dalaga na gusto nitong umowi sa syodad ay hindi niya ito pinayagan. Wala naman siyang nakuhang sagot sa dalaga kaya hinayaan niya muna itong mapag isa. Pero ng tanghali na ay nadatnan niya itong papalabas ng kwarto, pinuntahan niya ito dahil yayayain niya sana itong kumain pero iyon ang nadatnan niya.
Nagpumilit ang dalaga, hanggang sa umabot ngang kinulong niya ito sa kwarto.
At ngayun, kahit gabi na ay hindi parin ito tumitigil sa paghampas ng pinto. Kahit nag-aalala siya dahil sigurado siyang namamaga na ang kamay nito sa kakahampas ay hindi niya ito magawang harapin.
Alalang-alala siya dito. Pero hindi niya alam kung anong pumipigil sa kanyang harapin ang dalaga.
"Iho," bigla niyang naramdaman ang mainit na kamay sa kanyang balikat. Napalingon siya sa katabi at nakita ang isang lalaking may katandaan na pero hindi halata at mikhang nasa 40's pa.
"Go to your mate. Alam kong kanina ka pa nag aalala. Siguradong gutom na rin siya, hindi siya naka pananghalian diba? Dalhan mo ng pagkain"
Napaisip siya sa sinabi nito. Oo, hindi nga naka pananghalian ang kanyang mate. Tumango siya sa katabi at kumuha ng isang malaking plato at nilagyan ng maraming pagkain. Hindi pa siya nakapagsimulang kumain dahil iniisip niya ang dalagang naka kulong ngayun sa katabi ng kwarto niya.
Nang nasa harap na siya ng pintuan ng kwarto nito ay kinatok niya ito ng tatlong beses habang hirap na bina'balance ang tray sa isa pang kamay.
Muli siyang naka rinig ng isang kalabog mula sa loob ng kwarto at ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Masasalita na sana siya ng sinalubong siya ng kamao ng babae.
Napabaling sa kabilang side ang mukha niya. Hindi naman masakit ang suntok, mahina lang ito para sa kanya dahil hindi siya ordinaryong tao. Pero ramdam niya ang galit na nagmumula sa suntok ng dalaga, na siyang nagpasikip ng dibdib niya. Ayaw niyang magalit sa kanya ang mate, pero mas ayaw niyang mawala ito sa paningin niya.
"Paalisin mo na ako dito Luke!" Namumula sa galit ang mukha ng babae at namumugto ang magaganda nitong mata, halatanng galing sa iyak ang kanyang mate.
Hindi siya nito tinawag na 'sir' ibig sabihin nawalan na ito ng respeto sa kanya bilang amo. Pero ayos lang sa kanya ito, mas gusto niyang tinatawag siya ng dalaga sa pangalan niya.
"You need to eat, Ky" hindi niya pinansin ang sigaw at ang suntok nito at pumasok sa kwarto ng dalaga. Bahagua niya itong tinulak sa gilid dahil nakaharang ito at ni'lock ang pinto.
"Busog ako." Matigas na sagot nito. Biglang tumunog ang kanyang tiyan, na siyang nagpapula ng husto sa leeg at mukha ng dalaga.
"Yeah right," nakangising bumaling sa kanya ang binata matapos pinatong sa side table ang tray na dala.
She stubbornly sit on the bed, with her arms crossed.
Nang mapansin ng binata ang kanyang kilos ay biglang dumilim ang mukha nito. Bahagya siyang nakaramdam ng takot, pero hindi siya nagpahalata.
"Eat." Madiin ang pagkakabigkas ng kanyang boss habang ang kanyang mata ay unti unting nagpalit ng kulay na nakatitig sa kanya, na siyang hindi napansin ng dalaga dahil sa sobrang kaba.
"No." Pinantayan niya ang tono ng boses nito.
Napatalon at muntik ng mahulog sa kama si Kaylee ng bigla itong umangil, ng malakas.
Tuluyang nagbago ang kulay ng kanyang mata at sa pagkakataong ito, napansin na ito ng dalaga. Ang kanyang takot na pilit tinatago ay biglang bumuhos sa buong pagkatao niya, namutla siya sa takot at pagkabigla.
Hindi siya makagalaw sa inuupuan kahit alanganin ang kanyang posisyon.
Bigla siyang nahulog sa kama ng umangil na naman ito. Mas malakas sa una.
"Eay Kaylee. " ang boses nito ay malalim, malalim na ang boses nito pero kakaiba ang boses ng binata ngayon. Para itong galing sa hukay.
"O-oo na! Kakain na!" Nababalisang tumayo ito sa pagkakasalampak sa sahig at dali daling lumapit sa side table sa takot na aangil na naman ito.
Unti unting kumalma ang binata at bumalik sa dating kulay ang mga mata nito, humalukipkip ito habang baka titig sa kanya.
"D-did I..." nag aalinlangan pa itong mag salita. "Did I scared you kaylee?" Lumanlam ang boses nito at pumungay ang mga mata. May naglalarong kakaibang emosyon sa mata ng mga binata na hindi niya mabasa ng lingunin niya ito.
Mukhang napansin nito ang panginginig niya.
Hindi siya sumagot, sa halip ay tinapos ang pagkain at humiga sa kama.
"You should not go to bed after eating, it's bad. Makakasama yan sayo." Concern ang boses nito.
Walang nakuhang sagot ang binata. Narinig niya itong nagbuntong hininga.
"Ky, give me a chance... please"
●●●●
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
Hombres LoboKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...