On Luke's side...
"Alpha! Alpha!" Napalingon si Luke mula sa ginagawang pagkukubli.
Nagmistulang espiya siya sa kampo ng mga kalaban habang ang kanyang mga pack member ay papunta na sa kung nasaan siya. Pero hindi niya inaasahan ang kanyang beta na susunod kaagad sa kanya.
Sumenyas siya ng tahimik gamit ang daliri na inilagay sa kanyang labi. Hinihingal na dumapa ito sa tabi niya at kinausap siya gamit ang isip.
"May problema alpha." Hindi siya nito hinayaang sumagot. "Inataki ng mga kalaban ang pack house at nasa gitna sila ngayon ng madugong labanan!"
"Kanina ko lamang nakuha ang ibinigay na mensahe ng iyong ama at mukhang kaninag madaling araw pa ito nagsimula. Alpha, kailangan nila ng tulong. Nasisigurado kong maliit na porsyento lamang ang naiwang warriors sa territoryo dahil isinama natin ang lahos lahat sa kanila dito."
Saglit na nablangko ang utak ni Luke. Ang kanyang ama na kagigising pa lamang. Ang kanyang kapatid. Ang pack. Ang mga pups at buntis. Shit!
"Alpha, your orders?" Kahit pinagpapawisan at hinihingal ang kanyang beta ay kakayanin pa rin nitong tumanggap ng utos mula sa Alpha.
"Retreat." Madiing sabi niya. Tumayo na siya at walang pakialam kung mahuhuli man siya. "Go back to the camp at pabalikin silang lahat sa BloodMoon. We have a family to save, wolves."
"What about you alpha?"
"Mauuna ako sa inyo. Matatagalan pa tayo kung sasama pa ako sayo."
At ganun na nga ang ginawa ni Luke. He shifted to his wolf, and ran towards his territory that is miles away. Naiwan naman tinatanaw ng beta ang kanya alpha.
Ilang sandali pa ay agad siyang natauhan at nagmadaling magpalit anyo at tumakbo sa kabilang direksyon.
=-=-=-=
Sorry hindi ko muna mapo-post lahat ng chapter ngayon kasi may sakit ako. Nilalagnat po ang lola niyo!! 😢😷🤒
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
WerewolfKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...