"Susugod tayo sa kuta nila."
---
Ang hindi alam ni Luke, may nangyayari nang digmaan sa iniwang territoryo.
Hindi ito inaasahan ng lahat, malinaw na bukas pa magsisimula ang digmaan pero tila hindi na makapaghintay ang mga kalaban, sumugod na ang mga ito sa hindi nakapaghandang mga taong lobo.
"LAHAT NG MATATANDA, BABAE, AT BATA ITAGO SA CHAMBER!!!!" Malakas na sigaw ng Beta habang abalang nakikipagbugno sa isang babaeng kulot na kulot ang buhok.
Sobrang tangos ng ilong, maputla at may mga tumutubo pa sa kanyang buong mukha. Ang balat nito ay lupaypay na, kulang na lang hilain ito para mahiwalay sa kinakapitan nitong buto.
Isang mangkukulam.
At sobrang pangeeeeeeet ng matandang to.
Habang abala ang lahat sa pakikipagbugno, pilit na inaabot ng ama ni Luke ang isip ng binata. Pero nakataas ang bakod nito at hindi niya mapasok ang utak ng anak upang balitaan sa nangyari.
Walang ibang nagawa ang dating Alpha kundi makisali sa pakikipagbugno at piliting mailigtas ang dapat iligtas hanggang sa makakaya niya.
---
Nakatanaw lamang ang isang babaeng may mahabang kulay puting buhok sa ibaba ng burol kung saan makikita ang nagkakagulong mga kakaibang nilalang.
Isang asong lobo.
Mga bampira.
Panget na mangkukulam.
At mga tao.
Napatingala na lamang sa langit ang dalaga. Dumapo sa pisngi nito ang isang malamig na bagay na galing sa langit.
Isang snow flake.
Nagsimula sa isa, hangang sa dumoble at dumami ang nahuhulog na mga nyebe.
May ilang napatigil, pero tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng iba kahit na nagtataka.
Nakakapagtaka, wala naman sila sa north pole pero may snow.
Nasa pilipinas pa kaya sila?
---
Thank you MJOdlabus sa vote!!😊
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
WerewolfKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...