Napakabilis ng mga pangyayari, namalayan nalang ni Kaylee na hawak hawak na siya sa leeg ni Eix habang may nakatutok na kutsilyo na yari sa pilak sa kanyang leeg. Walang emosyong mapatitig siya sa lalaking may pagaalala at pangamba na nakatingin sa kanya.
Ilang segundo lang bago sabihin ni Eix ang katagang iyon ay biglang nasira ang pader na yari sa kahoy ang kwartong iyon. Samantalang parang alam na ni Eix na magyayari iyon, pwersahan niyang hinila si Kaylee mula sa loob ng seldang nakabukas at itinutok ang kutsilyong yari sa pilak sa kanyang leeg. Ang pilak na kahinaan ng bawat isang lobo.
Papaano nahawakan ng taong lobong ito ang kutsilyong iyon!
Mukhang nabasa ni Eix ang nasa isip Luke. "Napaka bobo mo naman Luke. Isa akong tao." Ngumisi ito na tila ay naisahan siya. "Sa tinagal tagal na panahon sa pagmamatyag namin sa inyo hindi niyo parin matukoy ang lahi namin? HA! naturingang lider ng mga asong lobo."
Hindi pinansin ng binata ang pagmamayabang ng lalaki at nakatitig lamang sa walang emosyon niyang kalahati. Anong ginawa nila sayo? Bakit ka nagkaganyan...? My poor Kaylee...
"Ibalik mo siya sa akin." Madiing wika niya na may halong pagbabanta. Tumawa ng malakas ang lalaking may hawak sa kanyang kalahati at bahagyang diniinan ang paglapat ng kutsilyo sa balat nito.
Umagos ang masaganang pulang likido mula sa leeg nito at binalot ng masarap na halimuyak nito ang buong kwarto. Napasinghap si Luke, habang nanlalaking matang nakatingin sa leeg ng kanyang kalahati.
Gustong gusto nang magwala ng lobong nasa kaloob-looban niya. Pilit niya itong pinapakalma habang sinusubukang huminga ng malalim upang pakalmahin din ang sarili. Sa mga oras na ito kung saan nakasalalay ang buhay ng kanyang kalahati kailangan niyang magisip ng matino at umisip ng magandang strategy.
Nanlaki ang kanyang mata habang nakatitig lamang sa sugat na nasa leeg ng babaeng kinahuhumalingan. Ang leeg ng kanyang kalahati ay bagamat dumudugo ay nakikita niya parin kung paano ito mamula ng husto at mas lumaki pa ang sugat kahit hindi naman na diniin sa leeg ng dalaga ang kutsilyo.
Naaapektohan ba ito sa kutsilyong gawa sa pilak? Pero paano? Isa lamang dapat itong simpleng sugat dahil tao ang kanyang kalahati! Unti unti na ba itong nagpapalit ng lahi? Unti unti na ba itong nagiging... lobo? Pero imposible! Magpapalit lamang ng anyo ang kanyang kalahati sa oras na minarkahan na niya ito! Ni wala pa ngang nagyayaring kababalaghan sa kanila at ito na agad ang kinalabasan nito?!
Masyado bang malakas ang nananalatay na dugong Alpha sa kanya kaya napaaga ang pagpapalit anyo ng kanyang kalahati?
Hindi napansin ng kalaban ang nangyari sa sugat ng dalaga na siyang kinahinga niya ng maluwag. Pero hindi parin siya nakampante, hawak parin nito sa leeg ang kalahati! Kailangan niyang umisip ng paraan upang mabawi ito mula sa kamay ng malupit na kalaban kailangan niyang madali!
"Mamamatay ka muna bago ko siya ibalik, Alpha." Ang nakangising saad ng lalaki. Nakita niya mula sa peripheral vission ang mga taong lobong nagbolontaryong iligtas ang kanyang kalahati na nasa pintuan ng kwarto. Suminyas ang mga itong tumahimik. Lihim na nagpasalamat siya at may dumating na tulong para sa kanya.
Alam niyang abala ang mga itong puksain ang mga kalaban pero inisip nila ang alpha na mag isang sumugod sa selda ng kalahati. Alam nilang hindi nito kakayaning mag isa lalo na't nakalagay sa panganib ang buhay ng dalaga.
"Ano bang kailangan mo? Ano bang atraso ko sa inyo?!" Naiiritang sinigawan niya ito. Kailangan niyang libangin ang kalaban upang hindi nito mapansin ang dahang dahang pagpasok ng kanyang mga kasamahan.
Sumiklab ang galit sa mata ng lalaking kaharap habang bahagyang humigpit ang kapit nito sa leeg ng dalaga. Nagaalala siyang baka hindi na ito makahinga pero nakakapagtakang hindi man lang ito nagbigay ng senyales ng nasasaktan. Napakahirap basahin ng walang emotion nitong mukha.
Ano bang nagyayari sa kanyang kalahati? Tuluyan na ba itong namanhid sa mga pasakit na natatanggap?
"Malaki ang atraso ng mga taong lobo sa akin Luke. Lalong lalo na ang ama mo." Madiin ang bawat salitang binitawan nito. "Pinatay niya ang buong pamilya ko! Pinatay niya ang angkan namin!"Napasinghap si luke, wala siyang alam. Hindi niya alam ang nangyari noon at walang nabanggit ang kanyang ama o ang mga myembro ng pack sa kanya. Sa nakalipas na ilang taon, ang lihim na ito ay nakabaon sa lupa at walang ni isa ang naglakas loob na humukay. Maliban sa mga oras na ito.
Hinukay mismo ito ng isa sa mga biktima.
Wala man lang siyang ka alam-alam sa mga nangyari pero hindi makatarungan na idamay pa ang mga inosente dito! Walang alam ang kanyang kalahati!
Nagmistulang hostage taking ang nagaganap na eksena na kalimitang nangyayari sa mga normal na tao. Pero hindi normal na tao ang mga sangkot dito at lalong lalo nang hindi ito basta basta lang na hostage taking.
"Walang kinalaman si Kaylee dito." Mahinahong ipinilig ni Luke ang ulo, "Ibigay mo siya sa akin at tayo ang mag tutuos." Inilahad niya ang kamay na para bang inaabot ang kamay ng dalagang bihag.
Tumawa ito ng malakas. "Hakhakhakhakhak!" Kinuha itong pagkakataon ni Luke at agad na naglikot ang kanyang mga mata upang senyasan ang nakapwestong mga kasapi niya.
Hindi namalayan ni Eix ang mga susunod na nangyari, biglang hinablot ng binata ang dalagang hawak at may isang lalaking humila sa braso niyang nakahawak sa kutsilyo. Agad siyang pinatumba ng mga tauhan ng binata na hindi niya namalayang nakapasok sa kwartong iyon!
Sa isang iglap, nasa bisig na niya ang dalagang ni hindi man lang kumurap o napasinghap sa nangyari. Nanatili ang mukha ang mga mata nitong walang emosyon, na siyang kinabahala ng binata.
"Ayos ka lang?" Bulong niya sa tenga nito. Bahagya nitong tinagilid ang ulo. Nagtaka si Luke kung bakit unti unting bumibigat ang dalaga, nanginig ang kanyang kamay na nakahawak sa bewang nito ng may maramdaman siyang mainit at malapot.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso, namawis ang kanyang noo, at nanginig ang kanyang labi. Maingat siyang umopo nang namalayang tuluyang nawalan ng ulirat ang dalaga. May namumuong tubig sa sulok ng kanyang nagiinit na mata habang dahan dahang nilingon ang kamay na nangingig.
Binabalutan ito ng dugo na galing mismo sa kanyang kalahati!
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
CUT!
wahahahaha may karugtong pa sana yan pero naisipan kong bitinin kayo😅
Dedicated to: princesswolf290 as promised gurrrrrrl😂😂
Next update: I dunno when😂
Abangan niyo kung ano nga ba ang nangyari at ganun ang kinahinatnan ng daloy ng storya. Just remember, everything happens for a reason.Napansin niyo bang mabilis ang mga pangyayari? Madami pa kasi ang karbayong kakaharapin ng dalawa😂😉😉
PS: Kung sinong makahula kung sino at ano nga ba si Kaylee ay may dedication sa akin! Promise hindi ito talkshit!✋ Valid until this story is finished.
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
Hombres LoboKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...