CHAPTER 23

1.2K 40 4
                                    

Note:

          Salamat doon sa isang page na nag promote sa story ko! ^__^ Agikgikgikgikgik!!! AKO'Y KINILIG TOLOGOO!! Binugbug ko pa yung friend ko na nagbalita sa akin na may page na nag promote sa story ko😂 Ehem! Kung sino ka mang anghel ka, THANK YOU!😍😘 Sa sobrang saya ko napa-update ako! OH YEAH! Hahaha!!

*

CHAPTER 22

Nagsimula na ang digmaan. Digmaan laban sa mga bampira, taong lobo, mangkukulam, mga higante at iba pang mga lamang lupa.

Kakaiba ang mga kulay ng mata ng mga lamang lupa. Purong itim ito na tila nasa ilalim.ng isang itim na mahika.

"Lost Souls," napatitig si Artemis sa malawak na kawalan. Sa gitna ng kawalan, lumabas ang mga imahe. Ang labanang nagaganap ngayon sa ibaba.

"Lost Souls?"

Tanong ng isang tinig sa utak niya. Si Kaylee. Kaya na nitong makipag usap sa kanya gamit ang isip dahil sila ay ganap na magkaisa na.

"Yes. Ginagamit sila ng mga mangkukulam para magamit nila ang mga lamang lupa. Ang mga ligaw na kaluluwang dinakip nila ang may kontrol ngayon sa mga lamang lupa. Maaring pinangakuan nila ang mga ito ng isang bagay na nagpaakit sa mga lost souls."

"That explains why."

"Hindi dapat kasali dito ang mga kauri nila." Napapailing na napahawak ito sa noo.

"Mas lalaki ang gulo kapag nagkataon."

"Bakit?"

"Ang mga lamang lupa ang mga tinitingalang panginoon. Kapag nalaman ng panginoon na ito ang nangyayari ay kakalabanin niya hindi lang tayo kundi pati na rin ang kalaban. Maraming dugo ang dadanak kapag hindi kaagad ito nasolusyonan. Unless.. "

Napahinto si Artemis. Nagaalanganan siyang sabihin sa dalaga ang ideyang pumasok sa isip niya. Kilala niya ito, basta para sa ikabubuti ng lahat gagawin niya kahit na napakadelikado nito.

"Unless?"

Saglit na hindi nakapagsalita si Artemis.

"Unless what?!"

"Unless you go down where the hell and human world meets. The Haven of the Undead."

=-=-=-=-=

Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon