CHAPTER 2

3.5K 124 2
                                    

Pangatlo sa gawa niya yung nasa taas. WennyInNeverland thanks!!

Enjoy~!

●●

Unang araw ngayun ni Kaylee bilang impleyado ng Alvares Corp. hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya habang impleyado siya ng kompanya pero isinawalang bahala nalang niya ang mga posibleng mangyari at nag focus sa present. Nakaharap siya ngayun sa salamin at nakasuot ng office attire.

Pencil cut skirt, pink tube na pinatungan ng black blazer at flat shoes. Bagay naman sa kanya ang suot, bahagya pang naka high pony ang mahaba at straight niyang buhok kaya kahit malayo ay maaaninag mo agad ang makinis niyang mukha at matangos na ilong. Brown ang kanyang mga mata na namana niya sa ama habang hindi gaano kanipis ang kanyang kilay, pouty rin ang natural pinkish lips niya.

Sinipat niya ang sarili at umikot sa harap ng salamin. Wala pang laba ang damit na suot niya dahil kakabili niya lang nito kahapon sa mall. Isang mabilisang shopping ang ginawa niya pagkatapos niya makausap ang magiging boss niya at kung sinuswerte ka nga naman, si Mr. Nothing pa ang magiging boss niya.

Ng makuntento siya sa ayos ay kinuha na niya ang shoulder bag at lumabas ng apartment. Sinigurado niyang ni'lock niya ito bago umalis at pumara ng taxi. Pagdating niya sa office ng boss ay wala pa ito roon. Masyado yata siyang napa-aga. Sabagay 7:18 pa naman, sa pagkakaalam niya 8 am ang trabaho.

Umopo muna siya sa sofa na inupuan niya kahapon dahil hindi niya pa naman alam kung saan ang pwesto niya. Nilibot niya ang paningin sa paligid at napansing iilan lang ang tao. Mukhang mga mahahalagang tao ng kompanya lang ang nandito, siguro office nila iyong ibang mga kwarto.

Sakto ng mapatingin siya sa elevator ay lumabas ang babaeng napagtanungan niya kahapon, ito siguro ang papalitan niya. Nakita soya ng babae kaya napatayo siya ng lumapit ito.

"Miss Laison, anong ginagawa niyo dito? Bakit wala ka sa table mo?" Curious na tanong nito. Napakamot siya sa batok at nahihiyang ngumiti. Tila nakuha naman ng babae ang gesture niya dahil napatawa ito.

"Halika, ituturo ko sa iyo ang table mo" nakangiting kumapit ito sa kanya at inaya siya papasok sa opisina ng boss nila. Nagtaka siya kung bakit sila nandoon, gusto sana niyang magtanong pero pinangunahan siya ng hiya.

"Ito yung table mo," tinuro ng babae ang isang table na may katabing maliit na aparador. Ngumiti siya dito ng may pasasalamat.

"Thanks,...?"

"I'm Vee. Nice to meet you Ms. Kaylee" magalang na pakilala nito at bahagya pang yumoko. Nahiya siya sa gesture ng kaharap kaya napapakamot sa batok na ngumiti siya dito ng alanganin.

"Salamat uli ha?"

"Wala yun,"

Iniwan na siya ng dalaga kaya napagpasyahan niyang ayusin ang kanyang table. Maliban sa computer ay wala nang ibang nakapatong sa ibabaw nito. Napakibit balikat nalang siya at napagdesisyonang mag design ng kanyang mesa sa susunod na araw.

Umopo siya sa harap ng computer at in'on ito. Nag open muna siya ng fb tutal hindi pa naman office hour at wala pa ang boss kaya free siya ngayung mag facebook. Sandamakmak na notifications ang sumalubong sa kanya kaya isa iaa niya itong chineck. Mga wala namang kwenta, mga likes at comment lang sa profile picture niya.

Tinignan niya ang mga friend request at nag accept ng mga kakilala. Nakita pa niya ang friend request ni Vee kaya walang pag alinlangan accept agad ito. Sa pag scroll down niya ay nahagip ng mata niya ang isang pangalan

Luke Alvares

Accept|| Delete request

Kounot ang noo niya at napa isip, may facebook pala ang boss kong yun?! Hanep ah. Napapailing na nag stalk muna siya dito bago niya ito i'accept. Tinignan niya ang profile picture, isang garden. Kung ilan ang friends nito, dalawa. Si Bryan Samonte na dating boss niya at isang Laysa Alvares. Mukhang kakagawa palang nitong facebook.

Naawa siya dito dahil dalawa lang ang friends sa facebook at wala pang like ang profile kaya ni'like niya ito matapos i'accept ang friend request. Saktong nag log out na siya ng pumasok ang boss niya kaya tumayo siya at binati ito.

"Good morning sir!" Cheerful at ngiting ngiting bati niya. Pero mukhang bad mood ito at wrong timing siya dahil ni hindi man ang siya nito tinapunan ng pansin. Dumiritso lang ito sa mesa nito at komportableng umopo sa swivel chair.

Parang may kung anong kumirot sa puso niya ng hindi siya pansinin ng amo, biglang nawalan siya ng gana. Matamlay na umopo siya at inasikaso nalang ang pagiging sekretarya.

Sa loob ng mga araw ng pagta'trabaho niya sa Alvares Corp. ay tila tense na tense ang amo niya kapag lumalapit siya dito, pinagtitimpla niya kasi ito ng kape, pinagta'take out ng pagkain, at minsan may tinatanong din siya dito tungkol sa trabaho na bagay na tipid naman nitong sinasagot. Iniiwasan ba siya ng boss? Bakit naman?

Kasalukuyan siyang nakaharap sa computer at tinatapos ang trabaho sa araw na iyon. Nasa table nito ang amo at tahimik na nagbabasa ng dokomento ng bigla itong magsalita. Napakislot siya sa inuupuan sa gulat at exaggerated na napahawak sa dibdib.

"Sir naman! Kung mangugulat kayo magbigay naman kayo ng warning! Mamamatay ako ng maaga sa inyo eh!"

Mukhang hindi nagustuhan ng binata ang binato niya ditong salita dahil sumama bigla ang tingin nito sa kanya. Umayos siya ng upo at nahihiyang ngumiti.

"Go home early today and pack your things. Aalis tayo" walang babalang wika nito na muntik na niyang ikalaglag sa upuan.

Nahihintakutang napaturo siya dito. "Are you on drugs sir? Bakit kasama ako? At saan naman tayo pupunta aber?"

"I'm not taking drugs, kasama ka dahil ikaw ang sekretarya ko. Huwag nang maraming tanong Ms. Laison, go home and pack your things. Magdala ka ng damit na sa tingin mo ay sasakto ng ilang linggo." Pinal na wika nito ng hindi tumitingin sa kanya.

●●●●

Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon