CHAPTER 19

1.5K 40 2
                                    

JOKE!!!!!!

BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

SYEMPRE HINDI KO HAHAYAANG MATAPOS ANG STORY NA HINDI HAPPY ENDING!

BIBIGYAN KO NG HUSTISYA SINA LUKE AT KAYLEE DAHIL SA MGA SAKRIPISYO NILA PARA LANG SA STORY KO!

PERO MALAPIT NA ITONG MATAPOOOOOOOOOOS!😣😭

HANGGANG CHAPTER 25 OR 30 LANG SIGURO ITO PERO SANA, PATULOY PA RIN INYONG SUPORTA!


SALAMAT!

MWUAH MWUAH!😙

PS: SINONG NAHULOG SA BITAG KO DOON SA CHAPTER 18?😁😂

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

CHAPTER 19


"Wala pa rin siya."

Napalingon ako sa tumabi sa akin. Si Laysa.

"Sayang at hindi mo siya naipakilala sa akin."


"Masyado mo kasing inaatupag ang pagaaral mo."

"Pff.. para rin naman yun sa kinabukasan ko."

Dumaan ang ilang segundong katahimikan.

Nandito kami ngayon sa isang cliff. Nakatanaw lamang ako sa ibaba nito na may masaganang tubig na dumadaloy.

"Ilang taon na pala?"


"Lima."

Napalingon siya sa akin, nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Paano mo nakayanan?"

Nagkibit balikat ako.


Paano ko nga ba nakayanan?

Para sa mga katulad naming taong lobo, ang mawalay sa kanilang kalahati ang pinakamabigat na pagsubok para sa amin.

Para kaming pinapatay sa tindi ng sakit at pangungulila.

Pero siguro immune na ako.

Ang unang mga buwan na wala siya ang pinakamasakit para sa akin.

Lumipas lamang ang ilang taon ay unti unti kong tinanggap ang sakit at namanhid na ang puso ko.

Manhid na siguro talaga ako.

"One week from now, magsisimula na ang totoong digmaan. Handa ka na ba?"

"Hindi ko alam."

"Kaylangan mong magpakatatag, Kuya... "

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi niya ako tinatawag na kuya sa kadahilanang magka-edad lamang kami. Matanda lang ako sa kanya ng ilang minuto.

Masarap sa pakiramdam lalo na ngayong umiiyak ang puso ko.

"Sige. Iwan na muna kita nang makapagisip isip ka."

Tumayo na siya at pinagpagan ang suot niya.

"Nga pala," napalingon ako sa kanya. "Kausapin mo na si Daddy. Alalang alala na yun sayo, panigurado."

Napatango ako.

Mula kasi nang magising ang ama namin. Wala kaming maayos na paguusap. Alam ko, pinipilit niyang intindihin ako, wala naman sa kanya ang problema. Nasa akin.


Mula kasi nang iwan niya ako, dumilim ang mundo ko. Nawalan ako ng gana, nawalan ako ng komonikasyon sa mga tao sa paligid ko.

Bumuo ako ng sariling mundo, kung saan ako lang mag isa...

2 DAYS BEFORE THE WAR

Kaylee's POV

"Alam kong handa ka na," napatango ako sa sinabi niya.

Ilang taon kong pinaghirapan at pinaghandaan ang araw na ito. Ang araw kung saan makakalaban ko ang iba't ibang nilalang para ipaglaban ang lahi ng mga lobo.

Ang lahing binuhay ni Artemis.


"Pero handa ka na bang harapin siya?" Natigilan ako sa tanong niya.

Alam ko naman kung sinong tinutukoy niya pero hindi ko masabi ang pangalan niya kahit sa isip ko.

Alam ko, napakasakit ng idinulot ng pag-alis ko pero ito naman ang nakakabuti diba? Nakakabuti ito dahil umalis ako para sa kanya. Para sa lahat ng taong lobo.


Kung akala niya, siya lang ang nasaktan, lalo naman ako. Binuhay ni Artemis ang natutulog na kapangyarihan sa loob ko dahilan para mas maramdaman ko ang mate bond.

Ang bond na nag-uugnay sa aming dalawa.


Sobrang sakit sa dibdib, ang bigat ng dibdib ko sa araw araw na paggising kong hindi mukha niya ang unang nakikita ko.

Namimiss ko na ang Luke ko.

Miss na miss ko na ang mate ko.


"Hindi ko alam...." ang tanging naging tugon ko.

Hinaplos niya ang puti kong buhok. "Magpakatatag ka, Kaylee. Magpakatatag kayong dalawa."


"Salamat, Goddess Artemis." Ngumiti ako sa kanya ng puno ng pasasalamat.


Sa mga araw na nagdudusa ako. Si Artemis ang naging taga gabay at sandalan ko.

Palagi siyang nakaalalay sa akin, pinapayuhan niya ako at hindi niya ako pinapabayaan.

Para bang anak niya ako at ina ko siya.


=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon