CHAPTER 13

1.8K 64 1
                                    

Nakatitig lamang ako sa mukha ng babaeng nakahiga sa hospital bed habang may nakakabit na apparatus sa katawan niya. She need it to keep breathing, she need it to live.

Napakasakit para sa akin na nakikita ko ang mahal kong nakahiga at walang malay, habang ito ako, walang magawang nakatitig lamang sa kanya. The doctor said that she need to be monitored. Hindi pa siya stable dahil patuloy pa ring inoobserbahan ang sugat niya.

Nakakapanghina. Nanlulumo ako lalo na ang aking lobo sa kalagayan ng aming kalahati. Sobrang tanga ko. Hindi ko man lang napansin ang atakeng iyon.

What have I done mate?

Am I even worth it?

Ngayon lang pumasok sa isip ko kung tama bang sa akin siya itinadhana. Tama bang sa akin ka ibinilin ng diyosa ng buwan Kaylee? Kasi hindi manlang kita na protektahan.

Forgive me mate, for my soul and heart just love you so much.

Napayuko ako at hinagkan ang kamay ng itinadhana sa akin. Sinusumpa kong maghihintay ako. Hanggang sa handa ka nang imulat ang iyong mata at salubungin ang mga problemang dadating kasama ako.

2 months...

3 months...

6 months...

8 months...

For how long are you planning to sleep mate?

"Alpha, you should rest." His beta. Nakatayo lamang ito sa nakabukas na pinto ng kwarto kung nasaan si Kaylee.

"Magpapahinga lamang ako kapag gising na siya," he said.

"Ngunit alpha, hindi niyo ba napapansin?" His eyes perked up but he stayed still. "Laganap ang pananakop sa iba't ibang lupain, nabalitaan naming ang ibang malalakas na kampo ay tuluyang nasira at nabihag ng mga rebelde. Alpha kapag hindi ka pa magpahinga at gumalaw ngayon hindi malabong sakupin din tayo. Gusto mo bang salubungin ang Luna ng ating kahinaan sa oras na ito'y magising?" Tila nanghihina na ito sa daming problemang sumasalubong sa kanila.

Ilang buwan nang tahimik ang mga Aubreys at ngayon nga ay pumalit naman sa kanilang problema ang mga taong lobong rebelde.

Hindi namalayan ni Luke na napahigpit na ang kapit niya sa kamay ng kanyang kalahati.

"Lalabas ako, bigyan mo lang ako ng ilang minuto."

Hindi na niya nakitang tumango ang kanyang beta ngunit narinig niyang nagsara ang pinto.

Muli niyang tinitigan ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso, ang babaeng nagpapabuhay sa kanyang kaluluwa, ang kanyang kalahati.

Kung may tao mang nakakakita ngayon sa kalagayan ng dalawa ay siguradong maaawa ka.

Luke is holding Kaylee's hand habang nakapatong dito ang noo nito, while Kaylee is in a hospital bed, unconscious.

The Alpha and it's Luna is at it's most helpless state. Which who took advantage of the Rogues.



"Alpha!" Malakas na kumalabog ang pinto ng kwarto. Humahangos na napahawak sa handle nito ang isang warrior na takot na nakatingin sa kanya.

His head snapped and his ears perked up, handang tanggapin ang paliwanang nito kung bakit nito binalibag ang pintuan.

"The Rogues and the Aubreys joined forces, at nandito sila ngayun upang tayo ay tuluyang burahin! Alpha, all the female and male warriors is at the field, nailikas na namin ang mga matatanda, bata, at buntis sa ligtas na bankers. Alpha, we're waiting for your orders."



=-=-=-=-=-=-=-=-=





Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon