Alas'kwatro palang ng madaling araw sinundo na siya ng amo. Ang sabi nito kailangan maaga sila mag byahe para hindi pa masyadong hapon pag dating nila. Gusto sana niya itong kulitin kung saan ba talaga sila pupunta at kailangan pa bang kasama siya. Kung tungkol ito sa trabaho bale wala sa kanya pero kung personal issue ito ng amo, aba! Huwag siya nitong idamay.
Ala'sais na ng umaga nasa byahe parin sila. Naramdaman niyang kumalam na ang sikmura niya kaya napabuntong hininga nalang siya at hinimas anf tiyan. Kahit na mag stop over muna sila ay mukhang imposible yun, parang wala yata sa kabihasnan ang kanilang destinasyon. Pano, puro puno ang nakikita niya sa daan.
Napasulyap sa kanya ang amo, "I have food in the back seat, just incase if any of us got hungry."
Lumingin siya dito, nagdadalawang isip siya kung kukunin ba niya ang alok nito. Mukha naramdaman ng binata ang pagdadalawang isip niya kaya nginitian siya nito hudyat para dali dali niyang kunin ang nasabing pagkain.
Binuksan niya ang paper bag at agad na natakam nang makita ang pagkain. Wala nang pa tumpik tumpik pa at parang isang kargador na nilantakan ang pagkain.
Napailing na lamang si Luke at lihim na napangiti sa ginawa ng babae. He adore her, normal na normal ito kumilos at hindi pabebe. Hindi gaya ng ibang babaeng nakilala niya na kahit gutom na gutom na ay tinitiis nito at ang hinhin pa sumobo.
She's unique...
Indeed.
Mukhang napansin ng kasama na hindi man lang siya nagabalang tumigil para kumain. Actually, gutom na rin siya pero may gusto siyang hinihintay na mangyari.
"Sir hindi po kayo kakain?"
Takang tanong nito. Napangiwi siya sa salitang 'po' at 'sir'. He don't want her to address him in 'sir'. He prefer Luke, parang kay sarap yatang pakinggan ng pangalan niya mula sa labi ng babae.
"I'm driving" tipid na sagot niya dito ng hindi sumusulyap. He's afraid what might he do when he sees her cute angelic face.
"Pwede naman po tayong mag stop muna" she insist.
"No need."
Wala siyang nakuhang sagot mula sa babae kaya sinulyapan niya ito. Bigla siyang na disappoint ng makitang kumain na uli ito at parang may sarili mundo. The scene he expected to happen suddenly vanished in to the thin air. Tsk. Akala pa naman niya susubuan siya nito at mag insist na pakainin siya. Pero mukhang pusong bato ang dalaga at hindi makaramdam.
Simangot na nag focus nalang siya sa pag da'drive.
Lihim na napatawa si Kaylee sa isipan. Nakita niya kung paano sumimangot ang amo ng hindi man lang niya ito pinilit kumain. Huh! She's clever but nobody knows. Akala siguro ng amo na maiisahan siya nito. He better think twice because advance mag isip ang utak niya, the posibilites suddenly poped out in her brain the first time she asked the boss.
Sarap na sarap na kumain siya at sinadyang bagalan ang pagkain. Nakita niya mula sa peripheral vision niya kung paano ito lumunok at hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagkulo ng tiyan nito.
Bigla naman siyang sinalakay ng konsensya.
Halata kasi sa mukha ng amo ang gutom. Namumutla na rin ang mukha nito at namumungay ang mga mata. Tila pagod na pagod ito. Napipilitang tinapat niya sa bibig nito ang kutsarang puno ng kanin at may kasama pang ulam.
"Oh" hindi nakatingin ditong saad niya. Na'imagine na niya ang pagngiti nito ng sinubo nito ang pagkain. Tila natauhan naman siya sa ginawa at nanlalaking mata na tumingin dito.
"Ahm. S-sir, nakalimutan ko. Kutsara ko yung..." nahihiyang tumalikod siya dito, "pasensya na..." tinakpan niya ng kanyanv dalawang palad ang mukhang sigurado siyang pulang pula na sa kahihiyan.
"Ayos lang. Hindi naman ako maarte" parang normal lang at walang nangyaring saad nito.
Nakahinga siya ng maluwag at ngumiti sa sarili. Kahit na naramdaman niyang biglang tumalon ang kanyang puso sa pahayag nito ay binalewala niya nalang ang dumadagundong puso.
Mula ng makita niya ang binata sa resto na pinag ta'trabaho'an niya ay hindi na siya pinatulog ng mukha at boses nito. May kung ano sa sistema niya na hinahanap hanap ay mala koryenteng yun ng hawakan siya nito sa braso.
Hindi niya alam kung ano itong nararamdaman niya, bago ito sa kanya at wala siyang muwang tungkol sa puso.
Hindi kaya't pinasahan siya ng binata ng sakit?
Imposible naman ata yun.
Napailing nalang siya sa mga naiisip at sumadal sa inuupoan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang destinasyon kaya imbis na mamatay siya sa boredom ay itutulog niya nalang ito. Tutal inaantok na siya at pagod ang katawan dahil sa byahe kaya ibabawi niya nalang ito sa tulog.
Narinig niya ang pag hikab ng dalaga at ng sandaling sinulyaoan niya ito ay mahimbing na ang tulog nito. Komportableng nakasandal ito sa inuupoan. Nakita niya mula sa peripheral vision niya ang baka side view nitong mukha. Matangos ang ilong ng dalaga at mahaba ang pilik mata. Napansin niyang wala man lang itong ka make up make up. Tanging lip balm lang na nagpapakintab sa labi nito ang arte sa mukha.
Natural beauty...
Sa mga nagdaang araw ay ngayun niya lang natitigan ng husto ang mukha ng dalaga. Para siyang teenager na nahihiyang mahuli ng crush na nakatirig sa mukha nito. Sa hindi malamang dahilan, hindi niya ito matagalang titigan. Parang sinasabi ng instinct niya na gulo ang mangyayari sakaling mahuli siya nitong nakatitig.
May mali sa dalaga...
Ilang oras pa ang tinagal ng marating nila ang isang malaking village. Sumalubong sa kanila ang napakalaking gate kung saan may nakasulat sa itaas na,
BLOODMOON
●●●●●
Gusto ko lang sanang magpasalamat kay The_DemonGangster sa pag vote at pag add ng story ko sa reading list niya. Thank you girl, I appreciate it. 😘😊
BINABASA MO ANG
Beauty and The Beast
WerewolfKaylee Laison is a normal human girl. Masaya at kuntinto na sana siya sa kanyang buhay. But everything changed when a man suddenly claimed that she's his employee. Nag explain naman ang current boss niya at napapayag siya sa gusto nito. Ok na sana e...