CHAPTER 9

2.2K 75 2
                                    

Sa buong oras na pinapahirapan nila si Kaylee ay puro sigaw lang ang naririnig nila. Naiinis na si Ramon, ang lalaking naatasang saktan siya dahil ni minsan hindi niya narinig na nagmakaawa ang dalaga. Ni wala siyang ibang maramdamang emosyon kundi sakit sa mga sigaw nito.

Lampas limang minuto na pero wala pa rin ang Alpha ng bloodmoon. Naiinip na si Eix, ang Alpha ng naturang Rogue Pack. Pinuntahan niya ang kanyang panauhin sa underground cell na nasa territoryong naagaw niya sa isang hindi kalakasan na pack.

Binaybay niya ang madilim na pasilyo patungo sa naturang selda. Tinanguan pa niya ang dalawang bantay na yumoko pagkakita sa kanya bago pumasok. Nakita niya sa isang madilim na sulok ang isang babaeng nakayuko, natatabunan ang buong mukha nito ng kanyang mahabang buhok.

Lumapit siya sa selda nito at inutusan ang lalaking nagbabantay sa loob ng kwartong iyon na gisingin ang kanyang panauhin. Sinabuyan ito ng isang timba ng malamig na tubig ang kawawang dalagang ilang minuto lamang ang naging pahinga sa masaklap na  karanasan nitong pagpapahirap sa kanya.

Tinignan niya lang kung paano manginig ang babae sa lamig. Wala man lang itong ginawang ingay o reklamo. Papungaspungas na tumunghay ito at tumitig ng diretso sa kanya.

Bahagya siyang nagulat pero hindi niya pinahalata. Kakaiba ang titig ng dalaga sa kanya. Hindi niya mabasa ang mukha nito pero nakikita niya sa mga mata nito ang nagaagablab na galit na siyang kinatuwa niya. Sa tanang buhay niya, ngayun niya lang narasang titigan nang ganyan ng kanyang mga naging biktima.

Sadyang may kakaiba talaga sa dalaga.

"Kamusta aking panauhin?" Malumanay na saad niya sa babaeng nakatingin ng blangko sa kanya. "Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Lumabas ang munting ngisi sa kanyang labi.

Nagtagbo ang kilay ng dalaga. "Makakapagpahinga sana ako ng maayos kung hindi ka lang dumating," pinilig nito ang ulo nito na tila sinusuri siya. "Ano bang kailangan mo sa akin at pinapahirapan mo ako ng ganito?"

Lumaki ang kanyang ngisi. May munting ideya na pumasok sa kanyang isipan habang tinitignan ang dalagang matapang na nakatingin sa kanya. Swerte si Luke, dahil nakatadhana sa kanya ang babaeng ito at nababagay sa dalaga ang posisyong Luna, na nagsisilbing ina ng isang pack.

Pero malas lang niya, dahil nakuha ng babaeng ito ang interes niya.

"Sabihin na nating pinaghihigantihan ko si Luke sa pamamagitan mo."

Tumalim ang tingin nito sa kanya. Kung nakakasugat lang ang talim ng tingin, kanina pa siya naliligo sa sarili niyang dugo. "Wala kang mapapala sa akin." Muling yumoko ang dalaga na tila nawala  ng interes sa kanya.

Pinilig niya ang ulo, "Alam nating dalawa na mahalaga ka sa lalaking iyon, o baka naman hindi pa niya sinasabi sayo ang totoo niyang pagkatao?" Sumilay ang isang malademonyong ngiti sa kanyang labi nang biglang may ideyang pumasok sa kanyang utak.

"Umalis ka na." Mahina lamang ang boses ng dalaga pero dahil hindi siya ordinaryong tao ay narinig niya ito. Nalukot ang kanyang mukha, tila wala talagang interes ang dalagang ito tungkol sa totoong katauhan ng lalaking inaakala nitong amo.

"Hahayaan kita sa ngayon, Kaylee." Tumalikod siya sa dalaga. "Pero hindi pa ako tapos sa iyo. Hindi pa ako tapos sa inyo." Tuluyan na siyang umalis sa lugar na iyon na may nakapaskil na ngiti sa labi. Ngiting nagpapahiwatig ng isang masamang balak.

HIS SIDE

Nagtitipon-tipon ang mga bolontaryong sumama sa pagsugod sa territoryo ng kalaban. May nangyaring botohan kanina, nagkakagulo na kasi ang mga Alpha na kasapi ni Luke dahil ang ilan sa kanilang mga kalalakihan na bihasa sa labanan ay umatras sa laban.

Beauty and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon