Paunang Salita

684 24 7
                                    


Maligayang pagdating sa aking mundo!

Anyway, bago kayo tumuloy, nais ko na kayong sabihan sa ilang mga bagay para lang malinaw ang lahat at medyo mabawasan ang ilang kalituhan at para alam niyo na rin kung anong aasahan dito.

Unang- una, hindi perpekto ang kuwentong ito. Matagal ang update. On the process lahat.

Ikalawa, hindi ito katulad ng ibang Historical fiction na karaniwan ay may maingay, masayahin na tauhan mula sa 21st century na mapapadpad sa nakaraan. Ang kuwentong ito ay hindi ang tipo na magbibigay ng mga familiar tropes. 

Ikatlo, alam ko na marami ang nababagot sa mga pag-aaral sa nakaraan. Hindi ako maglalahad ng kasaysayan ng Pilipinas, dahil sa simula pa lamang. Hindi sa Pilipinas o sa kung anomang tunay na lugar ang ginamit na lugar dito sa kuwento. Ginamit ko ang nalalaman sa kasaysayan para bumuo ng isang bayan, bansa, kontinente. 

Kung ganoon, bakit hindi ito nakapailalim sa Fantasy? Walang magic. Nakailalim ang kuwento sa Historical Fiction dahil sa paraan ng paglalahad. Sa ngayon, I'm not gonna change or apologize for the way I write hangga't hindi ko pa natatapos itong kuwento. Medyo malalim ang paraan ng pagsasalaysay. Think Noli. Maraming Figures of Speech.

Ikaapat, hindi pa ako bihasa sa gawi ng HisFic kaya may mga pagkakataon na masyadong lumalalim o namamali ang gamit ko sa ilang termino at minsan e moderno ang pananalita ng mga tauhan.

Ngayon, gustong- gusto ko talaga na Mag-taglish kaya lang baka makasira sa mood. Magkengkoy ako dito tapos seryoso pala yung story. Hehehe. Sa kuwentong ito, mas nangingibabaw ang mga bagay na gusto kong ipahayag kaysa sa mga bagay na alam kong babasahin at magugustuhan ng karaniwang mambabasa. In short, di ako pangmasa, hahaha. 

Eto ako, susubok na makatapos ng isang nobela.

Ngayon, kung nakaabot ka dito na hindi naaartehan o natuturn-off, read on.

Ang Mutya ng SalaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon