PROLOGUE

3.8K 147 51
                                    

PROLOGUE

"Baboy"

Those letters na nakakamatay. Yung tipong gusto mo ng magpakain sa lupa at sisihin ang langit kung bakit ka ba isinilang na mataba? Hindi nila alam na kahit ganito kami, nasasaktan kami. Di porket mataba ay imposible na ang lahat.

Pero sa totoo lang, pinipilit ko yung sarili ko na lumaban sa bawat yugto ng buhay ko. Kasalanan ko bang masarap kumain? kasalanan ko bang hindi ko kayang tiisin? Yeah, simpleng bagay lang pinagdadramahan ko na. Pero balang araw marerealize niyo din yung pinagdadaanan ko kapag kayo ang nasa pwesto ko.

Akala ko talaga wala ng magkakagusto sa isang naglalakad na taba. Siguro isang dekada muna bago ka magkakaroon at makakahanap ng taong makakasamang habang buhay. Tuwang tuwa na sana ako ng malaman ko na may stalker ako. Hindi ko lubos maisip na sa laking kong to? may magkakagusto? Lahat sila nandidiri sa taba ko pero siya? Imbis na layuan ako ay laging nandyan para sa akin. Akala ko nga, mga sexy at magaganda lang ang nagkakastalker at walang chance sa aming mga matataba. Buong akala ko talaga pero... I'm pround to say that I have a stalker! Like duhh!! maganda naman ako!

choss!

Kaso akala ko maganda talaga ang magkaroon ng stalker. Hindi ko lubos maisip na siya pa pala ang nagpapagulo sa isip ko at magpapahirap sa akin. Ang stalker diba dapat pinanatili ang sarili as an anonymous person? Pero bakit siya? lantaran kumuha ng information? Dahil ba sa wala siyang powers na kumuha ng information through internet and connections ganern? Oh sadyang tamad lang talaga? oh!!! baka naman!! pinagti-tripan niya lang talaga ako!!

"ahh so her breakfast today is egg and hotdog? teka ilan nga ba yun?... hey! babaeng iniistalk ko! ilan ba kinain mo kanina? " Malakas na tawag nito sa akin

oh diba? sinong normal na stalker ang gagawa ng ganyan? ay teka... kailan ba naging normal ang stalker?

"Wala kang pake.. " bagot na sabi ko.

"Hmmm 10? ahhh siguro.. hindi naman kasi kadudaduda. " Sabi nito.

Napalingon ako sa kanya ng naramdaman kong sinusundan niya parin ako. Nakita ko siyang nagsusulat sa isang maliit na notebook. Letche?? ano na naman ba to?!

"hoy ano yan?! " malakas na sigaw ko sabay kuha ng notebook niya.

Halos namula ang buong mukha ko ng nakita ko yung mga sinulat niya. Halos lumabas na yung dugo sa ilong ko kung anong nakasulat. Sinulat niya yung kinain ko at mga ginawa ko nung nakaraang araw, ultimo pati ang... ang...

"Puchapete ka!! pati banaman waist line ko nakalista dito?! pati yung size ng mga damit ko?! " halos ibato ko na sa mukha niya yung notebook.

"Bakit? totoo namang medium sizes ang sinusuot mo kasi pinipilit mo sa sarili mo na hindi ka mataba. " Parang labas sa ilong lang na sabi niya.

Sobrang nainis talaga ako sa mga sinabi niya!! Bakit pa ba kasi may ganitong Tao? mas mabuti pang bumalik na lang dati ang buhay ko!

"Ano ba?! sa dinami-daming babaeng maganda, cute at sexy diyan ako pa talaga ang napagtripan mo?! Ang lakas mo rin eh noh? bakit ako pang mataba ang pinili mong stalkin?! " Halos mawalan ako ng hininga sa bilis ng pasasalita ko.

"Gusto mong malaman? "

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit ng lumapit sa akin hanggang sa wala na akong aatrasan pa. Kitang kita sa kanya na nahihirapan siyang icorner ako. Syempre alam mo na yun.

Nakakinis! ramdam ko ang pamumula ng muna ko nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Agad naman akong napatagilid ng tingin.

"Wanna know why?.. " Biglang nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ko siyang bumulong mula sa tenga ko. Para akong naging statwa sa kinakalagyan ko.

"Luma-lumayo ka sa akin.. " Nanginginig na sabi ko. Ano na naman ba kasing trip nito?!

"Dahil gusto ko lang... " Nanayo lahat ng balahibo ko ng marinig at maramdaman ko siyang bumulong ng sobrang lapit sa tainga ko.

Agad ko siyang hinawi palayo.

"Ano na naman bang trip mo! Sa dinami-dinaming Tao ako pang mataba?! " Kinakabahang sabi ko habang nakahawak sa tainga ko. Hindi ko man nakikita pero ramdam ko na namumula na talaga ako.

"Hindi naman basehan sa katawan ang pangi-stalk. Hindi porket mataba ka wala ng imposible para sayo. Basta gusto kong malaman bawat detalye ng buhay mo. Anong masama dun?" Mahinahong sabi nito habang papalapit sa nahulog niyang notebook.

"Grabe... malala na yan... " nakatulalang sabi ko.

"Well malala na talaga. See you in the school!" Sabi nito sabay tumakbo.

Hindi ko talaga inaasahan ang ganong klase ng nilalang. Hindi ko alam kung Tao ba siya o nasapian lang talaga ng kung ano. Hindi ko alam pero sumakto ang bawat salita niya sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung ano na ang magiging takbo ng buhay ko.

Puro HINDI KO ALAM!!!

URGH!!!!! bahala na! basta naguguluhan na ako! Hindi ko iisipin o bibigyan ng malisya ang mga sinasabi niya. Hindi ako magpapatalo!

Basta....

isa lang siyang stalker!!! Yun lang!!
Period!!!

He's just a Stalker!

******************
PAALALA: sinasabi ko lang na binabalaan ko kayo hahaha since ginawa ko ito nung 17? Oo basta sa age na yun haha ang wild ko Pa kaya medyo magulo tong story na to. Kaya binabalaan ko na kayo medyo korny hahaha.

So ayun nainspire ulit ako magsulat. Hindi ko alam pero hindi ko na natatapos yung ibang story ko. Pero this time around sana matapos ko lahat😊

Thank you sa pagbabasa💕

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon