Chapter 19- Without Him

556 35 3
                                    

Chapter 19- Without him


*AUPRIE'S POV*

"Grade 12 ka na pero ang bagal mo parin kumilos. Ano bang nangyayari sayo? " tanong sa akin ni Jia habang nakahiga sa higaan ko.

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Hinihintay niya daw kasi ako na makabihis para sa school. Ewan ko ba diyan kung anong nakain at gusto akong makasabay na pumasok.

"Che! ang aga pa kaya!" sabi ko sa kanya. Habang inaayos ko ang necktie ko. Kasalanan niya yan, ang aga aga pa kaya!

"Teka? ano to?" tanong niya.

Agad naman akong lumingon kay Jia nang nagsalita siya. Hawak hawak niya yung timbangan ko na may design na bunny. Tinoktok pa niya yung timbangan gamit ang kamay niya.

Parang feeling ko may lumabas na imaginary galit-na-ugat sa noo ko. Tinignan niya ako ng may pangasar at sumasayaw habang hawak yung timbangan ko.

"Tch!" paltik ko ng dila sa kanya. Kinuha ko na lang yung medyas ko at sinuot.

Ewan ko ba kung anong trip nito ngayon at nakagkakaganyan yan. Naglakad ako papunta sa gilid higaan ko at kinuha yung uniform ntimbang ko kahapon.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Nakakatakot isiping may Tao na namang gusto akong gawing mistulang laruan. Oo, natatakot akong pumasok, pero hindi namang pwedeng lagi na lang akong iiwas. Gaya nga ng nagawa ko noon. 'I need to face the fear and negativitiy, for me to recieve the positivity.' *sigh*

"Auprie!! tignan mo!! pumayat ako lalo!" sabi niya habang nakapatong sa timbangan.

Agad naman akong lumapit sa kanya na may kunot sa noo. Ipagmalaki naman daw yung katawan niya?

"Dating 40 ngayon 39 na lang! ang sexy ko talaga!" sabi niya habang nagpo-pose sa harap ko.

"Share mo lan?... tska Payat kamo, hindi sexy." sabi ko sa kanya habang nakaupo sa higaan.

"Yung iyo? kamusta? gumagana naman ang diet mo ngayon?" sabi niya at nakiupo sa tabi ko.

"Wag ako Jia! aasarin mo na naman ako!" galit na sigaw ko sa kanya. Agad naman niya akong tinawanan as response.

"Haha di ahh... tignan natin yung timbang mo ulit. Diba nung tinawagan mo ako 69 kg ka? baka malay mo nabawasan?" sabi niya sa akin.

I'm not gonna fall for that again... -_-

"Tigilan mo ako... di ako uto-uto." sabi ko sa kanya sabay tayo.

"Bilis na kasi!! Lilibre kita mamaya!" sabi niya sabay hila sa akin.

Agad namang nagpantig yung tainga ko. Hindi naman sa ayaw kong malibre pero nacucurious din ako sa bigat ko ngayon. Malay mo diba? tska wala namang mawawala.

"Malay mo pumayat ka na?" sabi niya sabay kindat sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kaibigan ko. Ewan ko ba dito minsan talaga mapapatanong ka na lang 'kaibigan ko ba talaga to??'

"Aish... " wala naman na akong magagawa. Kahit kasi ako nacucurious na.

"Awiee~~ gusto din naman niya." pangasar niya sa akin. Tinarayan ko lang siya at naglakad sa harap ng timbangan.

"Nakakaloka talaga to..." bulong ko sa sarili ko.

"Paano kung pumyat talaga ako?" tanong ko kay Jia. Agad naman niya akong nginitian.

"Ayaw mo nun?! mas lalo kang magugustuhan ni Shinya." nakangising sabi niya. Agad Kong kinuha yung sapatos ko sabay bato sa kanya.

"Shinya-hin mo muka mo! bakit mo ba kasi ako pinagtutulakan dun?! parang di kita kaibigan ah?!" reklamo ko sa kanya.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon