Chapter 11- Maid Service

682 47 1
                                    

CHAPTER 11- Maid Service

*Auprie's Pov*

"What are you doing here? " takang tanong sa akin ni Shinya. Hawak niya lang yung ulo ko na para bang alaga niya ako. The F?

"Ah..eh.. kasi " napaiwas ako ng tingin at napa-atras. Ang awkward kasi talaga! Lalo na kapag nakapatong yung kamay niya sa ulo ko. -.-

"huh?" takang sabi niya. "Bakit?! bawal ba?! sayo ba to?! tsk!" mataray na sabi ko. Nakakainis lang? shocks! kailangan hindi malaman na ini-stalk namin siya!! NAKAKAHIYA!!

*Cracks*

Agad akong kinabahan ng may naramdaman akong nabasag or nagcrack na bagay sa paa ko. Agad naman akong napatingin kay Jia. Si Jia, mukang takot na takot. Nakatulala siya at nanlalaki yung mata. Tinignan ko siya para malaman kung anong problema.

Imbis na sabihin ay nakaturo lang sa kinatatayuan ko. Agad akong napatingin sa may baba.

*Dug*

Parang tinamaan ako sa dibdib ng kung ano, nang makita ko yung tinatapakan ko. Agad akong nagpanic at parang namumutla.

Shocks! kasalanan to nung butler na yun!! kung hindi dahil sa kanya hindi kami magtatatalon ni Jia at hindi mababasag yung vase.

Wahh!!! Auprie naman! ano namang kasalanan ni kuyang butler dito!! sadyang ang laki mo! kaya lahat na lang nadadanggi mo. -_-

"Auprie?" tawag sa akin ni Shinya. Agad akong kinabahan. "Ah.. wala hehe sige alis na kami..ha-ha." nanginginig na sabi ko sabay hila kay Jia papalabas.

"Huh? wait..." sabi pa nito.

"Sorry talaga..." sabay na bulong namin ni Jia. Nagkatinginan kami at sobrang natatakot. First time namin dito, tapos nakabasag kami?! Wth?!

"Young master... What's happening?" Agad kaming napahawak sa kamay ni Jia ng mahigpit. This time sobrang kinakabahan na kami. Dumating kasi bigla yung dalawang butler. Shocks!! we need to scape now! As in Now!!

"Ahh nothing..." sabi ni Shinya. Pano na Auprie? Hindi kami makakaalis nito kapag may gwapong katulad nila yung nakaharang sa daanan. Naramdaman kong hinawakan ako ni Jia sa braso ng mahigpit.

"Auprie..." bulong na sabi ni Jia. Agad akong napatingin sa kanya at mukang natatakot sa dun sa dalawa.

"Wait?! what?! Young master! the...the vase!" Agad na nagpantig yung tainga ko ng marinig kong nagsalita yung isa sa kanila. Ito na! mapapasubo kami ni Jia! T.T

"Huh?" sabi ni Shinya sabay tingin sa baba niya. Tinignan niya lang ito ng nagtataka. Sheet!! we need to go now!!

"Tara na..." bulong na sabi ni Jia sabay hila sa akin. Dadaan na sana kami sa gitna nung dalawang butler pero hinarangan nila kami.

"Is this your fault, my ladies?" tanong nung isa sa kanila. Nakayuko lang kami ni Jia na parang natatakot na tuta. Pakhet naman oh?!

"Did you know how much is this?!" nakakatakot na sabi nung isa. Ito na talaga. Lalamunin na kami ng lupa.

"Sige! magkano ba kasi yang vase na yan?" mataray na sabi ni Jia. Agad naman akong naaninagan ng pag-asa. "Oo nga, magkano ba kasi? tsk!" mataray na sabi ko sa kanila, pero deep inside...Gosh!! nanginginig ako!!

"Sorry my ladies if I raise my voice..." sabi nung galit kanina. Nagbow siya sa amin and he say sorry.

"Auprie that's cost 30,000." Napahawak ako ng di oras kay Jia. Mahigpit, as in mahigpit talaga. Di ko matake yung price!! Mabubuhay na ako ng ilang araw nun!

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon