Chapter 08- First Wish

661 54 6
                                    

CHAPTER 08- First Wish

*Auprie's Pov*

"Give me your 3 wish... Auprie Amore."

"Give me your 3 wish... Auprie Amore."

"Give me your 3 wish... Auprie Amore."

"Give me your 3 wish... Auprie Amore."

Parang zombieng naglalakad papuntang school. Hindi ko alam, sa sobrang dami kong problema, yan lang yung pumapasok sa ulo ko ng paulit ulit. Ni hindi ko nga alam na nakauwi ako ng maayos at hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Ganito ba talaga pag may problema ka?

*Sigh*

Pero na papaisip na lang ako sa mga pinagsasabi ni Shinya. Naiinis ako na ewan. Aasa ba ako? pero kung umasa ako baka masaktan lang ako sa huli. Ano ba kasi ang dapat kong gawin. Kung totoo man yung sinasabi ni Shinya about sa 3 wish, anong hihilingin ko sa kanya?

"Goodmorning!" may narinig akong bumati mula sa likod ko. Hindi ako lumingon baka hindi ako. Teka?! parang deja vu na to ah?!

"Wahh... girl ang gwapo niya kasi talaga.." narinig kong may bumulong. "Ano ka ba?! pagkakamalan tayong stalker if susundan natin siya ng susundan." Narinig kong muli mula sa gilid.

Napatingin naman ako sa kanila. Muntanga, ang lakas ng bulungan nila. Sino ba kasi yung sinasabihan nila? Agad naman akong lumingon sa likod ko at nakita kong kumakaway si Shinya habang nakangiti. Ang aga-aga nambabadrip na naman. -.-

"wahh..." Rinig kong mahinang sigaw nila. Muntanga lang?Mga baliw.

"Auprie... goodmorning!" sabi pa nito ng lumapit siya sa akin. Napatingin na lang ako sa may gilid. Nakita ko yung mga babae na nakatingin ng malagkit kay Shinya. Huh? mga baliw. Fan girls lang?

"Hoy! kailan ka pa nagkaroon ng fangirls?" takang tanong ko sa kanya. "Huh?" Takang sabi niya. Imbis na sumagot sa kanya ay tinuro ko lang yung gilid kung saan yung mga babae. Tumingin din naman siya.

*Smiles*

Nginitian niya yung mga babae na naging dahilan ng pagsigaw nila ng malakas. Nagtiti-tili sila sa kilig nung nginitian sila ni Shinya. Muntanga yung mga babae sa sulok. Pakshet? kailan pa to naging heartthrob?

"Kailangan ka pa nagkaroon ng mga ganyan?" Takang tanong ko sa kanya. Agad naman niya akong tinignan at nginitian. Bakit ganun?lagi tong nakangiti. Muntanga lang?

"Ahh... Fangirls?" takang sabi nito sabay kamot ng ulo niya. "Huh? so heartthrob ka pala? ngayon ko lang nalaman." Sabi ko sa kanya, para namang nagtaka siya sa sinabi ko.

"uhmm... hindi mo ba sila napapansin palagi? " sabi pa nito. Ayt? oo nga noh?. Wala naman kasi akong paki sa mga tao sa paligid ko. Bah malay ko ba na may fangirls pala to?!

"Hmm... Hindi ko naman sila napapansin. Wala kasi akong paki sa mga tao sa paligid ko." Sabi ko sa kanya sabay patuloy na naglakad. Sinundan naman ako ni mokong.

"Hey by the way Auprie, may naisip ka na bang iwi-wish?" Sabi pa nito. Agad akong napatingin sa kanya. "Huh? talagang seryoso ka sa mga kabaliwang sinasabi mo kahapon?" Gulat na sabi ko.

Hindi ko naman ine-expect na seryoso siya. Abnormal kasi, baka mamaya pinagloloko lang niya talaga ako. Muka kasing wala kang mapapala sa mga kalokohann na sinasabi niya kahapon.

"I'm serious Auprie..." Nakakunot na sabi niya. Natawa na lang ako sa mga kinilos niya. Haha so ganun? seryoso talaga siya?

"Haha bahala ka sa buhay mo. " Sabi ko sabay naglakad ng mabilis. Hinabol naman ako ni Shinya sa paglalakad.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon