Chapter 04- Savior

987 79 13
                                    

CHAPTER 04- Savior

*Auprie's Pov*

"Shinya!! I'm sorry talaga! hindi ko naman alam eh! " sabi ko habang nakaluhod sa harap ni Shinya. Teka? bakit nga ba ako nakaluhod? Ayt! syempre para humingi ng tawad!!!

Imbis na sagutin ako ay naglakad lang siya papaalis. Nanginig naman ako sa inasal niya! Kasalanan ko to eh! bakit ba kasi pinagtripan ko pa siya kahapon?!

"Shinya!! Hoy Hapon!! " Malakas na sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit ako sumigaw pero at least gumana. Umikot si Shinya at hinarap ako.

"Patawad na kasi please? " sabi ko habang nakaluhod parin sa sahig. Nang bigla siyang umiwas at mukang aalis na, hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya.

"Shinya... I'm sorry... " Nakayukong sabi ko habang hawak ang braso niya. Nakakahiya man pero kailangan kong magsorry para sa kinabukasan ko. Dito na lang talaga ako nakasalalay.

*Grips*

Hinawakang bigla ni Shinya yung kamay ko na nakahawak sa kanya. Agad akong kinabahan na ewan. Sobrang lambot kasi ng kamay niya. >.<

"Do you think your sorry is enough? " Nagulat ako sa naging ekspresyon ng mukha niya.

*Bamm*

Bigla niya akong isinandal sa pader. Hindi ko alam pero sobrang bilis at sobrang kinakabahan ako sa sitwasyon kong to. Like duh?! syempre, kahit sino naman.

Felling ko sobrang pula ko na talaga dahil sa ginagawa niya. Yumuko siya para makapantay lang ako. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin.

*Gulp*

Napalunok na lang ako ng maamoy ko yung hininga niya. Ito na ba yung heaven? ambango day!

"Ano bang kailangan kong gawin para ma-mapata-tawad mo ako? " Nanginginig na sabi ko sa kanya. Inilipit niya yung bibig niya sa tainga ko. Nakikiliti ako dahil sa ginagawa niya. Ano na naman ba to?! T.T

"Be mine... " Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung sinabi niya. Nanginig bigla yung tuhod ko ng lalong lumapit yung mukha niya sa akin.

*Gulp*

Pang ilang beses na akong napalunok ng laway dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Ngayon ay nakatingin ito sa labi ko na para bang gusto niya akong halikan. Bigla akong nataranta dahil hindi ko alam yung gagawin, pero biglang tumigil yung mundo ko ng nakita ko yung red lips niya. Parang naakit ako? gusto kong sapakin yung sarili ko kasi, sa lahat ng titignan, yun pa?! wtf? anong nangyayari sa akin?!

Napapikit na lang ako dahil akala ko hahalikan na niya ako. Parang tumigil yung mundo ko ng hinawakan niya yung ribbon ng uniform ko. Teka? anong ginagawa niya?!

*Licks*

Nanlaki yung mata ko ng maramdaman kong dinilaan ako ni Shinya sa pisngi. Kinilabutan akong bigla. Gulat na gulat ko siyang tinignan dahil sobrang unexpected yung ginawa niya!

Umatras siya mula sa akin. Pero ganun parin yung itsura ko. Gulat na gulat ako sa ginawa niya! bakit niya ako dinilaan?!

"Meow~~neko~~neko~~Meow... "

"Putcha Pete!! " Hindi ko alam pero napasigaw ako ng makita ko at marinig ko si Shinya. Itinaas ni Shinya yung dalawang kamay niya sa taas ng ulo niya na para bang umaarteng pusa.

"Shinya loves you!! " Malakas na sigaw nito. Parang bata siyang nagtata-talon. Agad akong nagulat sa mga pinaggagagawa niya.

"Auprie meow~~" Tumakbo ito papunta sa akin at para bang yayakapin ako... "Wahhhhh!!!! " Natatakot na sigaw ko.

Ang Stalker ni Ateng Chubby [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon